Endiyah Kinabukasan ay iniignora pa rin ako ni Ethan. Simula ng magtalo kami kahapon sa loob ng kaniyang library ay hindi na niya ako pinapansin. Nasa kay Briar ang buong atensyon niya. Pumasok ako sa trabaho pero hindi niya ako pinigilan o kinausap man lang. Pinakiusap ko na lang kay Ate Tina si Briar. Nandito rin naman sa bahay si Ethan kaya panatag ang loob ko na iwanan ang anak ko. Simula kagabi ay binuo ko na ang disisyon ko. Magre-resign na ako sa trabaho at susundin ang sinabi ni Ethan. Nakangiti akong pumasok sa Feorenza's company. Nakasalubong ko pa si Jennifer na galing sa opisina ng kaniyang amo. "Good morning Ma'am." Bati niya. "Morning Jen, dumating na ba ang amo mo?" mahina kong tanong. Tumango siya. "Ayon sa loob, mukhang lugmok at wala sa sarili," sabi nito. "Sig

