Endiyah Gusto ko ng paliparin ang sasakyan ko marating ko lang ang bahay ni Ethan. Pagkauwi ko kanina sa apartment namin ay naabutan ko sina Uncle Fred at Tita Anna na bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala. Nang sabihin nila sa akin na dinala ni Ethan si Briar ay pumihit ako palabas at tinakbo ang sasakyan ko. Kaya pala tahimik ang lalaking iyon dahil may natuklasan. Hinilot ko ang ulo at kalmadong magmaneho. Baka mamaya ay bumangga pa ako kapag hindi ako nag-neutral. Pagod na ako at inaantok, 1AM na kaya bumibigay na ang talukab ng aking mga mata. Nang makarating ako sa subdivision na tinitirahan ni Ethan ay pinarada ko ang aking sasakayan sa tabi ng kaniyang magarang sasakayan. Bukas ang ilaw sa main door. Gising pa kaya sila? Pero dahil wala na akong maisip kung hindi ang makit

