Endiyah Matagal kong pinagmasdan ang dati kong kuwarto. Para akong nangulila rito sa kay tagal na panahon. Binalingan ko si Ethan sa may likod ko at nginitian. Ang anak namin ay sinulo ng lolo't lola niya. Pinaayos niya ang buong mansyon. Hindi naman ito binago pero dinagdagan niya ng gamit. May kinuha pang kasambahay na mag-aalaga rito sa bahay. Nakasulong ko sila kanina sa sala, nginitian ko lang ang dalawang kasambahay at nagtatakbo na akong umakyat dito sa itaas. "You did these all?" tanong ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Tumango siya sa akin. "Lahat ay gagawin ko para sa'yo Endiyah," sagot niya. Nilapitan ko siya. Pinaikot ko ang mga braso sa batok niya at hinalikan siya sa labi. "Salamat Ethan." Isiniksik ko ang mukha sa malapad niyang dibdib at doon tahimik na umiyak.

