Endiyah Paggising ko kinabukasan ay wala na sa tabi ko si Ethan. Inilipat na rin namin sa kuwarto ang anak namin. Sa kabila lang naman at naglagay pa ang daddy niya ng monitor para raw maririnig nito kapag nagising siya. Binalot ko ang hubad kong katawan sa kumot. Napapangiti ako sa tuwing pumapasok sa isipan ko ang mga pinaggagawa niya sa akin sa gabi. Dumeretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nagbihis. Kinuha ko ang shoulder bag at hinanap doon ang wallet ko. Nang makita ko iyon ay madali ang mga kilos kong binuksan ang zipper kung saan ko tinatago ang diamond ring na ibinigay niya sa akin noon. "Still pretty on my fingers," bulong ko. Nangingiti akong itinaas iyon at hinaplos. Lumabas na ako ng kuwarto upang hanapin ang mag-ama ko. Mga halakhak n

