3rd Person POV Nanlilinsik ang mga mata ni Grace habang naglalakad papunta sa kaniyang sasakyan. Hindi siya makapaniwala na magagawa siyang patalsikin ni Ethan sa kaniyang position. Inilipat siya nito sa kabilang department at doon binigyan ng title na Manager. Ayaw niya sa food department pero doon rin siya nahulog. Siya ang pumalit sa position ni Mr. Benoist. At si Mr. Benoist naman ay sa Aircraft na nagtrabaho kasama ang kumpare niyang si Chairman Connor Treveno. “B*llshit!” mariin na wika ni Grace. Pinaandar niya ang sasakyan at tinungo ang maliit na apartment ni Sophie. Kung hindi sana siya nagsumbong kay Chairman tungkol sa pagpalit ni Ethan ng secretary ay hindi sana ito mangyayari sa kaniya. Aminado naman siya na siya mismo ang naglaglag sa sarili niya. Pero mas sinisisi niya

