Endiyah’s POV Hindi niya sinagot ang tanong ko, bagkus ay tinitigan niya ako. Ano bang nasa isip niya? Para kasi siyang nagdadalawang isip kung sasagutin ba ako o hindi. Mapupungay ang mga mata niyang nakatingin lang sa akin. Bumuntonghininga ako nang mainip sa kahihintay ng kaniyang isasagot. Magtatanong at magtatanong pa rin ako. “Anong relasyon mo kay Sophie?” ulit kong tanong. Umangat ang palad kong muli at hinaplos ang panga niya. Pumikit siya saglit, pagkatapos ay hinanap ng labi niya ang kamay ko sa panga niya at ginawaran iyon ng matunog na halik. Ayaw ko siyang tantanan sa katatanong hangga’t ‘di niya ako sagutin. Umusod siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Napapikit ako dahil sa ginawa niya. It was just a forehead kissed but that was so intense. “She just my cleaner,” s

