Endiyah’s POV “You still love him right?” mahinang tanong ni Mama sa akin. Nakayakap ako sa baywang niya habang hinahaplos niya ng mabini ang buhok ko. Araw ng linggo kaya naman ay dumalaw ako sa bahay. Balak namin magsimba ni Mama ngayon, nakakalungkot lang dahil wala na naman si Papa. Abala raw ito sa bagong trabaho kasama ang kaniyang mga kaibigan. Tiningala ko si Mama at tumango sa kaniya. Nginitian niya ako bago piningot ang ilong ko. “Silly girl. Bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang totoo mong nararamdaman. Alam kong mahal kapa niya, Anak. Nababasa ko iyon sa mga mata niya at sa paraan ng pagtrato niya sa’yo. Hindi pa rin ‘yon nakaka-move on sa’yo,” nangingiti niyang sabi. Pinanliitan pa ako ng mga mata. Napangiti na rin ako. Mukhang aasa yata ako sa sinabi ng mama ko. Bukod s

