Chapter 1

1215 Words
Chapter 1 - Zoey's POV - McHale Residence Tahimik akong natutulog sa kwarto ko ng biglang tumunog ang alarm ko. Nagising ang diwa ko at maya-maya pa ay tumayo na din ako. Agad akong naligo at nagbihis ng uniform. May uniform na kasi kami at pinadala sa amin iyon kahapon. Hindi ko alam kung bakit may uniform agad kami pero hindi na namin iyon pinansin. Pagbaba ko ay nandoon na silang lahat sa lamesa at ako nalang ang hinihintay nila. "Ikaw nanaman ang late?" Masungit na sabi ni Kuya sabay abot sa akin ng plato. "Matagal lang talaga ako maligo." Depensa ko naman. "Are you ready, Zoey?" Tanong sa akin ni Dad. "Yup." Maikli kong sagot bago ako nagsimulang kumain. Pagkatapos naming kumain ay kinuha na naming ang mga gamit namin at sumakay na sa kotse. "Zoey, anong oras ka uuwi?" Tanong ni Daddy. "Hindi po alam, dad. Tatawagan ko nalang po si Manong birt." Sagot ko. "Ako na ang susundo kay Chloe." Sabi naman ni Kuya. "Wala ka namang dalang kotse, ahh?" Reklamo ko. "Ihahatid ko lang si Chloe tapos uuwi na agad ako. May gagawin pa kasi ako at di ko pa natatapos." Sabi naman nya. "Bakit, ihahatid mo ba si Chloe?" Masungit nanaman nyang sabi. "O---" "No!!" Putol ni Chloe sa sagot ko. "Chloe." Saway ni Dad. "Ayoko! I don't want her!! Kuya!!!" Nagpapaawa nanaman nitong sabi. Napairap nalang ako sa hangin at hindi na ulit nagsalita dahil alam kong mas lalo lang gagawa ng ingay si Chloe. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din kami sa school ko. Kahit sa kotse ay nagbabangayan parin kami ni Chloe. Agad akong bumama at umirap sa dahil feeling nanalo nanaman si Chloe sa akin. Bago ako pumasok ay napatingin muna sa pangalan nang school namin. 'Cypress University' "Ahhh... Nevermind." Sabi ko tapos dumiretso na nang pasok sa loob ng school. Agd kong hinanap ang classroom namin at thankfully naman, nahanap ko kaagad. Napatingin ako sa letrang nasa itaas ng pintuan namin. 'Class A-1' Napabuntong-hininga ako at punasok na sa loob ng classroom namin. Pagpasok ko doon ay may mga estudyante na at medyo marami na din sila. Huminga ako ng malalim tapos naghanap na nang upuan. Medyo magulo talaga ang loob ng classroom pero agad naman akong nakahanap ng upuan ko. Agad ko iyong tinungo at naupo sa upuang iyon. Makalipas ang ilang minuto ay natahimik na sila at muhkang pagod na silang lahat. Lahat sila ay nagsiupuan na pero hindi pa naman nag-ri-ring ang bell, na hudyat na mag-sisimula na ang mga klase. Lahat sila ay nakatingin sa akin at nagbubulungan. Hindi ko alam kung bakit kanina ay parang hangin lang ako sa nila pero ngayon ay parang may ginawa akong mali o may ginawa akong hindi maganda. Maya-maya pa ay natahimik ang lahat nang may biglang pumasok. Napalinga-linga ako sa mga kaklase ko na narito at sobrang tahimik nila at para silang robot. Parang natatakot sila. 'Nakakatakot siguro mga teacher dito.' "Alis." Biglang may nagsalita sa gilid ko. Napalingon ako doon at nakita kong may lalaki doon. "Excume me?" Tanong ko sa kanya. "Alis." Pag-ulit nito. Tumayo ko at tinaasan sya ng kilay. "Pardon me?" Mataray kong sagot. "I said, get out." May malalim na nyang sabi. "Ayoko." Sabi ko tapos naupo ulit. "Isa nalang, umalis ka na." Sabi nya pa na parang nananakot pa. Bigla ay parang pamilyar sa akin ang boses nya. Tumayo ulit ako at tinitigan sya. "Ikaw nanaman?" Inis kong sabi. "Magkakilala ba tayo?" Tanong naman nya. "Ikaw yung lalaking kumuha ng book ko, diba?" Mataray kong sabi. Napakunot naman ang noo nya at bigla ding nawala. Muhkang naalala nya na ako. "Ehh, ano naman ngayon?" Maangas nyang sabi. "Wala. Sorry, ako na ang nauna dito kaya akin na to." Paggaya ko sa sinabi nya noon sa akin. Biglang napakunot ang noo nya at nagtagis na din ang panga nya. Akmang gagawa na ito ng kilos at muhkang sasampalin ako ng biglang tumunog ang bell at pumasok ang guro namin. Taka itong tumingin sa kanya at napakunot ang noo. "Mr. Desai, mambubully ka nanaman ba ng bagong students?" Nakataas ang kilay na sabi ng guro namin. "Ano nanaman bang nagyayari dito?" Sabi nya pa. "Ayaw po kasi nyang umalis sa pwesto ni Javier." Sabat ng isang student. "Ehh, sino ba ang nauna?" Tanong pa nito. "Sya po." Sagot pa ng iba at tinuro ako. "Sya naman pala ang nauna sa upuan na yan. Humanap ka nalmg ng bagong upuan mo, Mr. Desai. Parang ayan lang, ehh." Inis pang sabi nito. Matalim ang mata akong sinulyapan nung Javier pero inirapan ko lang sya. "Ok, hindi ako ang advicer nyo, pero nandito ako para hanapin si Zoey McHale. Nandito daw sya sa section nyo, nandito na ba sya?" Sabi nito. Napakunot naman ang noo ko bago ako nagtaas ng kamay. "So, you are the new SSG President." Sabi nito. Ako naman ay nanlaki ang mga mata. "SSG?!" Gulat kong tanong. Tumango naman ito bilang sagot sa akin habang ako naman naiinis sa sarili ko kung bakit ako pumayag sa principal. "Hindi mo ba alam na SSG ang sinalihan mo?" Tanong pa nito. Umiling naman ako. "Sorry, hindi na pwedeng mag-back-out. Nailista ka na sa Officer's List at hindi na pwedeng baguhin iyon. That's means, hindi ka na talaga pwedeng umatras. Good luck." Sabi nito bago umalis ng classroom namin at iniwan akong hindi parin makapaniwala. "May speech ka mamaya pagkatapos ng flag ceremony, and kailangan mo nang pumunta sa office ngayon na. Ihahatid na kita." Sabi nito. Agad naman akong tumayo ay sumunod sa kanya. "Saan po tayo pupunta?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kung saan. "Sa office mo." Sagot nito. "O-Office ko po?" "Yes, office mo." Paglilinaw nito. Napabuntong-hininga nanaman ako. Naglakad pa kami ng kaunti hanggang sa marating na namin ang isang kwarto na malapit lang sa principal's office. Pumasok doon ang gurong sumundo sa akin at agad din naman akong sumunod sa kanya. Pagpasok namin ay may mga estudyante din doon na nakaupo sa lamesa, sa upuan, at may mga nakatayo. "Good morning, everyone. Nandito na ang bagong President ng council. Please welcome, Zoey. Zoey, this is the whole students that can help you out. I hope you can stand for a whole year." Sabi nito tapos lumabas na. Ako naman ay hindi nakapagsalita at naiwang nakatayo lang doon. "Zoey McHale, huh?" Biglang sabat ng isang babae. Napalingon ako sa kanila at nakita kong nakatingin sila sa akin. Bumuntong-hininga ako at ngumiti. "Hi, everyone. I'm Zoey McHale. And, I'm not expecting na magiging president ako ng SSG kasi akala ko, ang tinatanong ng principal na president ay yung classroom lang, hindi ko inakalang buong school pala ang hahawakan ko. So, I hope you'll understand my upcoming mistake and please correct me when I'm wrong." Mahabang sabi ko. "You don't deserve to be the president. I deserve to be the president." Sabi nito at diniinan pa ang salitang president. "Kung gusto mo pala, bakit di nalang pala ikaw? Bakit nandito pa ako?" Mataray kong sabi. "I don't know. Maybe, Mrs. Salvador is a basurera and you are basura. So, get out of here, you trash." Sabi nito tapos umirap sa hangin. Ako naman ay bumuntong-hininga nalang. - To Be Continued - (Tue, October 12, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD