Chapter 2
- Zoey's POV -
Inis akong humarap sa babae at nakita kong nagulat sya sahil sa naging kilos ko pero wala akong pakialam.
"Ano bang problema mo, ha? Namomroblema na nga ako dito, dadagdag ka pa. Pwede ba, gililan mo ako. I'm trying my best to be nice, wag mo akong subukan." Dahil sa inis ko ay di ko na napansing ganon na ang sinasabi ko sa kanya.
Inis naman itong tumayo at umalis sa harap ko. Umupo sya sa kung saan at mataray na pinag-krus ang mga braso nya.
"Ang galing, ahh?" Biglang may nagsalita sa gilid ko. May mga lalaki doon na bagong pasok at isa sa kanila yung nagsalita. Napakunot naman ang noo ko ng makita ang lalaking kaaway ko kanina.
"Napatigil mo si Lexi?" Natatawang sabi ng isa.
"Jake, ayan ka nanaman." Biglang sabi ng isa pang lalaki.
"Ikaw nanaman?" Sabi ko sa lalaking nang-aagaw ng upuan kanina. "Aagawin mo din ba ang pagiging president ko ngayon, kasi kung gusto mo, sayo na." Mataray kong sabi tapos may napansin akong kung ano na parang natapakan ko. Agad ko iyon kinuha at humarap sa katabi kong lalaki.
"Excuse me, Is this yours?" Tanong ko sa kanya. Habang sya naman ay nakatitig lang sa akin na parang ewan. "Hello...?" Sabi ko pa at ikinaway ang kamay ko sa harap nya pero tulala parin sya. Napangiwi ako ng kaunti at inilagay nalang sa lamesa ang ballpen na natapakan ko.
"Miss Pres, dito ka." Sabi ng isang lalaki. Dahil may nahugot na akong upuan ay doon na ako naupo.
"Magkakilala kayo?" Biglang tanong nung lalaki sumaway sa kaibigan ata nila.
"Hindi."
"Oo."
Sabay naming sagot. Nakatingin namab kayo at agad din naman kaming nag-iwas.
"Paano kayo nagkakilala?"
"Sa mall." Sabay ulit naming sagot.
"Paano nga." Agad akong tumayo para ako ang unang makasagot. Sya naman ay napaatras dahil akala nya ata ay susugurin ko sya.
"Kinuha nya kasi yung gusto kong book. Tapos di man lang nag-sorry or ibigay nalang sa akin yung book kasi babae ako, tapos sya pa yung may ganang magalit dyan tapos nung ginantihan ko sya kanina, sya nanaman yung galit. Sino ba ang dapat mag-adjust?! Ako ba o sya?!" Pasugaw ko na palang sabi.
"S-Sya." Mahinang sabi nito.
"Exactly!!" Sigaw ko pa at naupo nalang ulit sa kinauupuan ko.
"Alam mo, may pagkamadaldal ka." Sabi ng isang lalaki. Naitikom ko naman ang bibig ko. "By the way, I'm Jake." Sabi nito tapos itinapat sa harap ko ang kamay nya, gusto nya atang makipagkamay. Tinanggap ko naman tapos sumagot na din.
"Zoey." Nakangiting kong sagot tapos nakipagkamay na sa kanya.
"Harvey." Sabi naman ng isang lalaki. Nagkamayan din kaming dalawa.
"Walter." Sabi naman nung lalaking muhkang matino. Tapos kaming dalawa naman ang nagkamay.
"Sya naman si Javier." Turo nito sa lalaking kaaway ko. Umirap naman ako sa lalaking iyon. "Sya si Solane." Turo nito sa isang babae. Ngumuti ako at kumaway sa kanya. "Sya si Gavin." Turo nya sa lalaking nakatulala parin sa akin. "At, ayon si Lexi." Turo naman nito sa babaeng naglalagay nanaman ng make up kahit sobrang kapal na nang muhka nya--- este ng make-up nya.
"Wala pa si Kimberly. Laging late yon, pero palagi naman syang maaasahan." Sabat naman nung Jake.
"Sino ang secretary natin?" Tanong ko sa kanila.
"Si Solane, bakit?" Tanong nila sa akin. Ngumiti lang ako at tumingin kay Solane.
"Wala. Feeling ko magiging best friends kami." Nakangiti kong sabi.
"Dapat lang. Loner kaya yan." Sabi ni Jake at tumawa pa. Lumingon ako sa kanya at nakatungo na ito na parang nahihiya na dahil sa sinabi ni Jake.
A Few Moments Later. . .
Panay ang buntong-hininga ko habang nandito ako at nakaupo sa stage. Nandito kaming mga officers at nakaupo dito sa taas ng stage. Nakikita ko din nagtataka ang ibang students pero hindi ko nalang sila pinansin.
Natapos na ang buong flag ceremony pero nangangatog parin ako dahil sa kaba. Panay din ang hugot ko ng hangin dahil masyado akong kinakabahan. Tumayo na ang principal at nagsimula nang magsalita.
"Good morning, everyone. I know na late ang flag ceremony natin for today. It's because, we are now welcoming our transfer students and our new SSG members. We didn't change few members, we change the secretary, vice president, and our president. So, I hope everyone cooperate and be good to our students council." Sabi nito tapos tinawag na ako upang magbigay ng speech. Nanginginig akong tumayo at humarap sa maraming tao.
Ipinalibot ko ang paningin ko at napalunok. Habol hininga kong inilapit ang bibig ko sa mic at inilayo ko din agad.
"G-Good morning, everyone." Sabi ko at pilit na ngumiti sa kanilang lahat. Lumingon ako sa mga kasama ko at nakita kong sinesenyasan ako nila Jake na magpatuloy lang habang nakangiti.
Mas lalong bumigat ang paghinga ko nang tumingin ulit ako sa libo-libong estudyante na nasa harap ko ngayon. Di alam pero parang nahihilo na ako ngayon at bigla nalang dumilim ang lahat.
A Few Moments Later. . .
Bigla akong nagising sa isang unfamiliar na lugar. Nakahiga ako sa isang kamay at may mga kurtina din sa lugar na ito. Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.
"Zoey." Tawag sa akin galing sa kung saan. Agad akong napaharap sa kung nasaan sya at nakita ko ang mga taong papalapit na sa akin.
"Ok ka na ba?"
"May masakit pa ba sayo?"
"Bakit bigla kang nagkakaganon?"
"May problema ka ba sa health?"
Sunod-sunod nilang tanong. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil bigla nanaman iyong sumakit.
"A-Anong nangyari?" Nanghihina kong tanong.
"Hinimatay ka kanina sa stage. Medyo nauntog nga ang ulo mo kaya may benda yan." Sagot ni Walter sa akin.
"N-Nasaan ako?" Nanghihina ko paring tanong.
"Nandito ka sa clinic, dinala ka namin dito kanina." Sabi naman ni Jake.
"S-Sino kayo? S-Sino ako?" Nanghihina ko nanamang tanong. Pahasinghap si Jake habang si Harvey naman ay napatakip ng bibig nya.
"Nagka-amnesia na sya!!" Sabi ni Harvey kay Javier na kasama pala nila at tinuro pa ako.
"Wag ka nga sumigaw." Inis nitong sabi.
"Joke lang." Bigla kong hirit. Sinamaan naman ako ng tingin ni Jake.
"Corny." Sabi nito tapos naupo na sa tabing kama.
"Salamat, ha? By the way, nasabi nyo na ba to sa parents ko?" Tanong ko.
"Hindi pa." Sagot naman ni Walter.
"Pahiram ako phone." Sabi ko tapos agad naman akong inabutan ni Walterng phone nya. Din-ial ko ang number ni Mommy at agad nya naman itong sinagot.
"Who's this?"
"Mom, it's Zoey." Sagot ko.
"Hey, where's your phone?"
"Mom, I just call because I want to inform you na hinimatay ako sa school."
"What?!"
"Mom, I'm ok na. Kinabahan lang talaga ako kanina."
"Why?"
"I have to give a speech because I'm the president of the students council. I didn't expect it, and sobrang kinabahan ako, and that might be reason why I collapsed."
"Are you sure, you're ok now?"
"Yeah."
"Ok. I'm going to tell it to your dad, and I know you're dad is going to be so overacting, so."
"Yeah, I know. Bye, Mom."
"Bye, Sweetheart."
"Bye." Sabi ko tapos sya na ang nagpatay ng tawag lumingon ako kay Walter at ngumiti. "Thank you." Sabi ko sa kanya at ibinalik na ang phone nya.
- To Be Continued -
(Tue, October 12, 2021)