Pinilit pa rin ni Rania ang gusto niya at tumakas sa mansyon para puntahan si Samson. Wala na siyang pakialam kung magalit man sa kaniya ang kapatid niya. Kakausapin niya si Samson at ipapaliwanag ang lahat rito. Hindi niya hahayaan na tuluyan silang masira ni Samson dahil lang sa kasinungalingan ni Amabelle. Hindi siya makakapayag. Alam ni Rania na mahal siya ni Samson at nadadala lang ito sa galit. Kung kinakailangan na habulin niya si Samson ay gagawin niya. Chasing after him is not a problem to her. Kung sa ganoong paraan din naman mapapatunayan niya ang pagmamahal niya rito. Hindi na gaanong nag-ayos si Rania at pasimpling lumabas ng kaniyang kwarto. It was like a deja vu. Noon ang tinatakasan niya ay si Samson ngayon naman ay ang kapatid niya na naman ang tinatakasan niya. Gustong

