"Let's divorce." Nagsinghapan ang lahat sa mga katagang binitawan ni Samson habang ang mama naman niya at si Amabelle ay waging-wagi na nakangiti sa may gilid. Hindi magawang magreact ni Rania sa nangyayari. Naguguluhan na naman siya. Ano na naman ang meron? Ano na naman ang nagawa niya? Nagulantang ang lahat ng mabilis na sinugod ni Zach si Samson at inambagan ito ng sunod-sunod na suntok. "My God! Awatin niyo si Zachariah!" Tarantang saad ng mama ni Samson na hindi alam ang gagawin. Nag-aalangan naman na lumapit si Amabelle para awatin si Zach ng maunahan siya ni Daffnet at niyakap nito ang nobyo. "Mahal, tama na. Nakakahiya sa mga bisita." Masuyo at malambing na saad ni Daffney na nagpakuyom kay Amabelle. Pasimple siyang tumabi sa gilid kahit na kating-kati na siyang sampalin at

