Chapter 18 : FOLDER & BOND PAPERS

1137 Words
Caleigh's p.o.v " ikaw. " maiksi nyang sagot sakin tapos ininom nya yung sinalin nya sa baso.. * dug dug dug dug * * dug dug dug dug* napalunok nalang ako at napatitig sakanya tapos ay pagkatapos nyang tunggain yung juice ay agad nyang binaba yon at iginilid sa may paa nya.. " a-ano? " nakakunot na noong tanong ko sakanya at saka sya tumingin sakin.. napangiti naman sya habang ako ay naguguluhan sa sagot nya.. mahina nyanv pinisil yung pisngi ko tapos ay binitbit nya yung mga hugasin at saka sya tumayo at tumungo sa lababo.. naiwan naman ako dito na nakaupo at hanggang ngayon ay iniisip ko parin yung sagot nya.. diba tanong ko naman sakanya anong gusto nya?  pero bakit sagot nya sakin , ikaw? anong... g-gusto nya ko? " master caleigh.. " " susunduin kita bukas pag uwi mo galing school ha. " napalingon naman ako sakanya habang naghuhugas nang sya nang pinggan.. tumayo naman ako at saka ko pinunasan yung lamesa.. " bakit mo ko susunduin? " " kaya ko namang umuwi mag isa ha? " tanong ko pa sakanya tapos ay sinara ko na yung pintuan dahil nabalot na yung kalangitan nang kadiliman.. " masama ba? " " gusto kitang sunduin e. " sagot naman nya sakin tapos ay sumandal pa sya sa lababo habang nakaharap sakin at naka cross arms.. napaupo nalang ako sa upuan at saka ko ipinatong yung ulo ko sa lamesa.. " alam mo ba kung saan yung school ko , ha? " mataray pero natatawang tanong ko sakanya.. nginisian naman nya ako habang nandoon sya sa may lababo.. " intayin kita bukas sa labas nang school nyo.. " " 12 noon uwian nyo diba? " sabi nya sakin... napangiti naman ako at umayos ako nang upo tapos ay tinanguan ko nalang sya.. " i'll wait for you.. " " wag kang magmadali umuwi ha.. " maloko pa nyang pagkakasabi sakin tapos ay kinindatan nya ako at humarap na ulit sa lababo para mag saing naman ngayon nang kanin.. napakasipag na alalay naman nito.. Kinabukasan.. " wala parin bang nakakakuha nang magandang shot sa neowise comet hanggang ngayon? " tanong samin ni sir albert.. napayuko nalang silang lahat at walang nagsalita ni isa samin.. " well , three weeks pa naman yung  deadline non.. " " pero syempre , ang unang makakapagpasa sakin ay may dagdag na puntos.. " " kapag nakapili ako sainyo nang may magandang kuha.. " " ipapasa ko yon sa division office , at ilalaban yung kuha nyo sa buong NCR.. " sabi nya pa samin habang kami ay tahimik at nakikinig lang.. " at kapag nanalo yung picture nyo.. " " makakapasok kayo sa university na gusto nyo.. " " school ang magbabayad sa lahat nang gastusin hanggang sa makatapos kayo nang college.. " dagdag pa nyang sabi samin tapos ay tinignan nanaman nya ako at saka nginitian.. " bye students.. " " class dismissed. " pagpapaalam pa nya samin at kasabay non ay ang pagtunog nang bell.. nang makalabas si sir albert ay agad agad silang nagsitayuan.. inayos ko muna yung gamit ko at saka ako tumayo para lumabas.. nagtaka naman ako bigla kung bakit parang hindi ako binully ni lara ngayon.. araw araw nya kasi akong binubully kaya naninibago lang naman ako.. sa hallway naman ay hindi ko nakita si drew.. hindi ko nalang sila inisip pa dahil naalala kong susunduin nga pala ako ni neo ngayon.. napangiti ako nang tipid at nakalabas nang school nang maayos.. pero palabas palang ako nang gate nang biglang sumulpot si drew habang nakakapit sa braso nya si lara tapos ay nasa likod nilang dalawa yung apat nilang alipores.. napatigil naman ako sa paglalakad at bumuntong hininga nalang.. wala pa namang masyadong tao dito sa lugar na to.. " oh , gawin mo tong research namin. " maangas na sabi ni drew at malakas nyang ibinato sakin yung hawak hawak nyang folder na may makapal na kung ano sa loob non kaya sobrang sakit nung tumama yon sa dibdib ko.. sa sobrang lakas nang pagkakabato nya ay napaatras ako at napahawak nalang sa dibdib ko habang yung binato nya naman ay bumagsak sa lupa kaya nagkalat yung laman non.. " what the.. " " napaka tanga mo talaga! " " pulutin mo yan , bago ka namin masaktan. " sigaw pa sakin ni lara.. napaangat naman ako nang tingin sakanila at saka sila tinitigan nang masama.. " aba.. " " marunong ka nang lumaban ngayon , ha? " mataray na sabi sakin ni lara tapos ay nagkatinginan silang dalawa ni drew.. agad na lumapit sakin si lara ay dali dali nyang hiniklat yung buhok ko nang malakas.. masakit pero hindi ako gaganti sakanila.. " ano? " " pulutin mo yan , nanggigigil ako  sayong loser ka. " parang gigil na gigil pa nyang sabi sakin tapos ay binitiwan nya yung buhok ko at malakas akong tinulak na naging dahilan nang pag upo ko sa lupa.. nagtawanan naman silang lahat habang sinisipa sipa pa ko ni drew.. " dalian mo loser.. " " naiirita na kaming makita ka. " sabi pa nya sakin.. napalunok nalang ako at pupulutin ko na sana yung mga bond paper na nagkalat nang biglang may isang kamay na inunahan akong pulutin yon.. nag angat ako nang tingin sakanya at nakita ko syang seryoso lang habang pinupulot yung mga bond paper na nagkalat.. " n-neo , a-anong g-ginagawa mo? " mahina kong tanong sakanya.. napatigil sya saglit sa pagpulot at matalim akong tinignan.. " bakit hindi ka lumalaban caleigh? " mahina at parang nanggigigil nyang tanong sakin.. napayuko nalang ako at hindi na nakapagsalita pa.. " oh , sino naman tong gunggong na to? " maangas na tanong pa ni drew.. napatingin naman ako kay neo na tapos nang pulutin yung mga bond paper.. nakita ko naman si lara na parang namula pa yung pisngi habang tinitignan sya... habang hawak hawak nya yung folder na may lamang makapal na bond paper ay tumingin sya sakin tapos ay hinawakan nya yung kamay ko para maitayo ako nang maayos.. nang makatayo na ako ay kinapitan nya ako sa bewang at hinapit nya ako papalapit sakanya... " girlfriend mo to? " maangas na tanong sakanya ni drew tapos ay dinuro pa nya ako.. napangisi naman si neo sakanya tapos ay biglang nag iba yung itsura nya.. " oo.. " " kaya nga parang gusto ko na kayong pagbuhulin lahat ngayon nung nakita ko yung ginawa nyo sakanya e. " parang gigil na gigil nyang sabi sakanila at saka nilingon pa nya si lara.. " isa ka pang babae ka.. " " hindi ako nananakit nang babae , pero baka ngayon masubukan ko na.. " maangas na sabi ni neo sakanya.. napatingin naman ako kay drew na umambang sasapakin sya.. " gago pala to e. " gigil pa nyang sabi kay neo.. nataranta naman ako dahil baka dumapo yung kamao nya kay neo.. pero hindi pa man nakakadapo sa mukha nya yon ay malakas nyang ibinato yung folder kay drew yung folder at bond paper na pinulot nya.. napanganga nalang ako nanv tumilapon silang lima sa medyo malayo layo samin nung ibato nya yon kay drew... napatakip nalang ako sa bibig ko nang makitang nagtumpukan silang lima na parang bugbog sarado silang lahat at hinang hina.. " gawin mo yung reasearch mo bata. " " pasalamat ka , yan lang natamo mo. " maangas na sabi pa ni neo sakanya.. napalunok nalang ako at nag angat nang tingin kay neo na umiigting yung panga.. g-grabe.. i-ibang klase..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD