Chapter 17 : SUNSET

1019 Words
Caleigh's p.o.v " first beep. " maiksi nyang pagkasabi sakin at ngumiti sya nang mapait.. napalunok nalang ako at tinitigan syang inilalapag yung niluto nyang caldereta sa lamesa.. sinundan ko lang sya nang tingin nang tumalikod sya para kumuha nang kanin.. nang ilapag nya yon ay hindi sya tumitingin sakin tapos ay napatulala pa sya nang ilang segundo at saka ako tinignan tapos ay nangiti ulit sya.. " kain na tayo.. " nakangiti nyang sambit sakin pero nanatili lang yung tingin ko sakanya.. iniwas nya yung tingin nya sakin tapos ay tumawa nang mahina at saka nya binuksan yung kaldero nang walang pot holder.. bagong kulo yon pero hindi man lang sya nakaramdam nang sakit.. mag rereact sana ako at titignan kung may paso ba sya o ano.. pero bigla kong naalala.. hindi nga pala sya tao. kinuha nya yung plato ko at sinandukan nya ko nang kanin tulad nang nakasanayan nya mula nung una syang dumating dito.. " wag mo kong titigan master caleigh.. " " kumain ka na dyan. " seryoso nyang sambit habang yung mga mata nya ay nakafocus lang sa ginagawa nya.. napayuko nalang ako at walang gana kong hinawakan yung kutsara at tinidor.. first beep palang caleigh skye.. m-matagal pa sya dito. pinilit kong alisin sa utak ko yung tunog nang relo nyang yon.. kukuha na sana ako nang caldereta nang maunahan na nya ako sa paglagay non sa plato ko.. " malambot yung baboy nyan.. " " kumain ka nang marami ha.. " sabi pa nya habang nilalagyan nya nang ulam yung kanin ko.. napatitig ulit ako sakanya habang nakafocus nanaman yung paningin nya sa ginagawa nya.. b-bakit ganito? b-bakit g-ganito yung n-nararamdaman ko?  napahawak nalang ako nang pasimple sa pendant nang kwintas ko at iniwas ko yung tingin ko sakanya.. nagsimula kaming kumaing dalawa habang sya ay patuloy na nagtatanong kung kamusta daw ba ako.. kung anong nangyari sa school.. naging maayos naman daw ba yung takbo nang araw ko sa labas.. at kung ano ano pa na puro tungkol sakin.. palagi naman syang madaldal kapag kumakain kami.. parang balewala nga lang sakanya yung beep nung relo nya e.. pero bakit sakin? bakit ang lakas nang impact sakin nung beep na yon? parang biglang nagdala sakin nang takot at lungkot yung tunog na yon.. " neo.. " mahinang pagtawag ko sa pangalan nya nang matapos kaming kumain nang sabay.. agad naman syang napatingin sakin at saka uminom nang tubig habang nakatitig parin sakin yung mata nya.. " bakit? " tanong pa nya at saka nya inilapag yung baso sa lamesa.. " gusto mo na bang umuwi? " diretso kong tanong sakanya.. hindi ko alam kung bakit biglang lumabas yung tanong na yan sa bibig ko.. napatitig lang sya sakin nang isang minuto tapos ay iniwas nya yung tingin nya at mahinang natawa.. " s-syempre naman.. " " s-sino b-ba n-namang h-hindi maeexcite umuwi diba? " utal utal nya pang sagot sakin tapos ay ibinalik nya yung tingin nya sakin at biglang nawala yung ngiti sa labi nya.. napalunok nalang ako at ngumiti nang mapait tapos ay tumango tango pa ko sakanya.. umiwas ako nang tingin at napagpasyahan kong tumayo at niligpit ko nalang yung mga plato sa lamesa tapos ay dumiretso na ko sa paghuhugas.. s-sino nga naman yung hindi excited umuwi diba? tama naman sya.. ang selfish ko naman kung sasabihin ko sakanya na wag nalang syang umalis dito.. dito nalang sya sa tabi ko.. nang matapos akong maghugas ay dinadaldal parin nya ako pero isang tanong isang sagot lang yung nangyayari sa usapan namin kaya napuputol agad yon.. naglinis nalang ako nang bahay para maiwasan syang daldalin ako.. at nang palubog na yung araw ay saka ako natapos sa paglilinis.. lumabas ako nang bahay habang sya ay naglilinis nang banyo sa loob.. naupo ako sa tapat nang pintuan ko at napatitig sa kulay apoy na kalangitan na may bahid nang kulay dilaw at lila.. sana araw ka nalang.. mawawala ka man sa gabi.. alam ko namang babalik ka pagdating nang umaga. " anong gusto mo? " " nagugutom ka ba? " napaangat naman ako nang tingin sakanya na nakangiti sakin at nagpupunas nang pawis sa may noo nya.. " kahit ano , basta pagkain. " maiksi ko namang sagot sakanya at nginitian sya nang tipid.. ginulo g**o naman nya yung buhok ko bago sya umalis para kumuha nang pagkain.. ibinalik ko nalang yung tingin ko sa langit at saka tumulala ulit.. ilang saglit pa ay naramdaman ko na yung presensya nya at dali dali syang umupo sa tabi ko habang may bitbit na juice at turon na ginawa nya kanina.. " master caleigh oh.. " sabi pa nya tapos ay iniabot nya yung plato nang turon sakin.. nakangiti ko naman yong tinanggap habang titig na titig nanaman sya sa mga mata ko.. iniwas ko nalang yung tingin ko at ibinalik yon sa kalangitan tapos ay kumagat nang turon.. tahimik lang akong kumain hanggang sa maubos ko yung isang buong turon... " ang ganda nang view no? " mangaha kong tanong sakanya habang nakatingin sa langit na unti unti nang dumidilim pero may bahid parin yon nang kulay pula.. " mas maganda yung view ko. " maiksi nyang sagot sakin.. unti unti naman akong lumingon sakanya at nakita ko syang nakatitig sakin habang nakangiti pa nang matamis.. natawa nalang ako nang mahina at saka napailing iling tapos ay kumuha ako nang isang pirasong turon at isinubo ko sa bibig nya yon.. " oh , ayan turon. " " kain ka marami ha , luto mo yan e. " natatawa kong sabi sakanya tapos ay iniwas ko yung tingin ko at sinimulan nyang kainin yon.. magsasalin sana ako nang juice sa baso nang iabot na nya agad sakin yung baso na may lamang juice.. napatingin naman ako doon sa basong inooffer nya tapos ay inagat ko yung tingin ko sakanya na punonv puno nang turon yung bibig.. pinaumbok pa nya yung turon sa may kanang pisngi nya tapos ay maloko pa syang ngumiti.. napangiti nalang ako at kinuha yung inooffer nya tapos ay itinaas ko pa nang konti yon at nag thank you.. nang matapos kong inumin yon ay napatingin ako sakanya na nilululon na nya yung kinakain nya.. " palagi mo nalang akong tinatanong kung anong gusto ko... " sabi ko sakanya habang nakatingin sa mga mata nya.. napatingin naman sya sakin tapos ngumiti sya.. " ikaw ba anong gusto mo? " dagdag kong sabi sakanya at saka sya umiwas nang tingin sakin tapos nagsalin sya nang juice sa basong ininuman ko na kanina.. " ikaw. " maiksi nyang sagot sakin tapos ininom nya yung sinalin nya sa baso.. * dug dug dug dug * * dug dug dug dug*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD