Caleigh's p.o.v
makalipas ang pitong araw mula noong tinupad nya yung ikalawa kong hiling ..
naging sobrang close na kami agad sa isa't isa..
ewan ko din kung paano nangyari na ganon kami bigla..
pero ang saya sa feeling na may kasama ka , yung tipong ramdam mo na hindi ka nag iisa..
palagi nya akong pinaglulutuan habang ako ay naghuhugas nalang nang pinggan..
yung pangatlo at pang-apat na wish ko naman ay nagamit ko na din..
meron kasi akong matandang nakasalubong nung isang araw tapos namamalimos sya sakin habang bitbit bitbit nya yung apo nyang 3 years old na sobrang namumutla na at parang unresponsive na..
agad agad ko syang sinamahan sa ospital at inentertain naman kami agad nang mga tao doon..
yung bata daw ay kailangang operahan as soon as possible dahil mas lumalaki daw yung butas sa puso nya..
pero dahil walang pera yung lolo nya..
hindi maoperahan agad yung bata kasi kailangan daw muna nang down payment kahit 1/4 lang nang 2 millon worth yung mabayaran para maoperahan na sya..
sobra akong naawa doon sa lolo kasi wala syang ibang nagawa kundi umiyak nalang dahil wala syang ganong kalaking pera para mapagamot yung apo nya..
kaya ayon..
nagpaalam ako kay tatay nung araw na yon na uuwi lang ako saglit at gagawan nang paraan yung pambayad..
binuksan ko yung alkansya ko pero ten thousand lang yung laman non...
tatlong taon ko na ring hinulugan to at ngayon ko lang nabuksan..
kinuha ko na yung ten thousand na yon tapos bigla kong naisip si neo..
humiling ako sakanya nang 2 millon pesos at laking gulat ko nanv tuparin parin nya yon..
yung ten thousand na naipon ko naman ay binigay ko na rin kay tatay para sa panggatos nila araw araw..
syempre hindi naman natatapos ang gastusin kaya saglit lang yung ten thousand na yon para sa pang araw araw nila..
kung tutuusin nga ay kulang pa yon pero sobrang pinasalamatan ako ni tatay..
binigyan nalang nya ako nang wood carving na may mukha ko kasi yun lang daw yung kaya nyang ibigay..
hindi naman ako humihingi nang kahit anong kapalit..
gusto ko lang na tumulong , pero syempre dahil alam kong sobra sobra syang nag effort doon..
tinanggap ko yon kahit na medyo nahihiya ako..
sabi nya sakin , tawagan ko lang daw sya kung may ipapaayos ako na kahit ano..
gagawin daw nya para sakin..
kinuha ko nalang yung number nya pero syempre..
ayoko namang makaabala pa sa pag aalaga nya sa apo nya..
tsaka nandito pa naman si neo sa tabi ko kaya sya nalang muna yung uutusan ko..
hehehe..
okay na yung bata sa ngayon pero kailangan pa nyang mag stay nang ilang linggo sa ospital..
bayad na rin yung bill nila tatay sa ospital kaya wala na silang p-problemahin pa..
yung gamot naman nung bata..
sabi nung doktor , kasama na daw yon sa 2 million na binayaran kaya okay na rin..
yung pang fourth wish ko naman ay para naman doon sa batang nakita ko habang papasok ako sa may malaking puno papunta sa bahay..
yung aso daw kasi nya , nasagasaan..
tapos yung nakasagasa , tinakbuhan sya..
naawa din ako sakanya habang yakap yakap nya yung aso nya na wala nang buhay habang sya ay halos hindi na makahinga sa kakaiyak..
siguro mga nasa 6 years old yung bata , pero mukhang hindi alam nang mga magulang nya na nakalabas silang dalawa nung aso..
kwento nya kasi sakin..
dapat daw talaga sya yung masasagasaan..
pero parang tinulak daw sya nung aso sa gilid nang daanan kaya ayon..
yung aso yung nahagip nung sasakyan..
tapos nagpatuloy lang daw sa pag andar yung kotse at hindi daw bumaba..
nakiusap pa sya sakin na buhayin ko daw yung aso nya kasi yun lang daw talaga yung bestfriend nya at wala nang iba pa..
at dahil naawa ako sakanya nang sobra sobra...
pinapasok ko muna silang dalawa sa bahay ko..
yung aso naman ay karga karga ko papasok samin tapos ayon..
yung pang fourth wish ko ay buhayin nya yung aso..
akala ko nga nung una ay hindi nya magagawa..
pero nagulat nalang kami nang biglang gumalaw yung aso tapos tahol sya nang tahol at nag w-wag pa yung tail nya nung makita nya yung 6 years old na batang amo nya..
nakauwi naman sila nang maayos nung aso nya kasi hinatid ko sya pauwi..
hindi ko alam kung nasaan yung magulang nya , pero nakita ko naman sya na maayos na nakapasok sa gate kasama yung aso nya..
bago pa nga pumasok yung batang babae ..
kiniss pa nya ko sa cheeks tapos ang dami dami nyang thank you na sinabi sakin..
" master caleigh.. "
" tikman mo nga to , dali.. "
napatigil naman ako sa ginagawa ko at agad na lumapit kay neo tapos ay kumuha sya nang kutsara at kumuha nang konting sarsa sa niluluto nya tapos ay ipinatikim nya sakin yon..
pagtikim na pagtikim ko ay agad ko naman 'yong nilasahan tapos ay napatulala ako saglit sa may sahig.
" ano , masarap na ba? "
tanong pa nya habang nilalasahan ko ng mabuti yung luto nya..
tinignan ko naman sya at saka ngumiti tapos nag thumbs up..
" sarap.. "
" luto na ba yan? "
" kain na tayo? "
nakangiti at sunod sunod kong tanong sakanya...
napatawa naman sya nang mahina tapos ay ibinalik nya yung tingin nya doon sa niluluto nya..
napasandal ako sa may ref habang pinagmamasdan syang ngumiti..
" yes master.. "
" itigil mo muna yung ginagawa mo tas umupo ka na doon.. "
" i r-ready ko na to. "
malambing pa nyang sabi sakin..
napatitig naman ako sakanya nang ilang minuto habang nakangiti..
napaka swerte ko naman para maranasan yung ganito..
akala ko talaga hindi na ulit ako makakangiti nang ganito ulit..
siguro kung hindi sya dumating sa buhay ko..
palagi nalang akong nakasimangot at magmumukhang masungit..
t-tapos baka , malamang..
kasama ko narin yung magulang ko sa mga oras na to..
pero wala e..
dumating sya para pagaanin yung buhay ko..
at sa mga ginagawa nya para sakin..
parang unti unting nahuhulog yung loob ko sakanya pero hanggat kaya ko ay pinipigilan ko pa..
hindi ko alam kung hanggang kailan sya sa tabi ko..
wala pa namang hudyat sa relo nya e..
kung pwede nga lang..
wag nalang sanang tumunog yon ..
iniwas ko na yung tingin ko sakanya at naglakad papuntang lamesa..
pero nakakadalawang hakbang palang ako nang..
* toooooooooooooooooooooooooooooooooot "
napatigil ako sa paglalakad at dahan dahan ko syang nilingon..
napaharap naman sya sakin na parang bigla syang natakot pero agad din nya yong pinalitan nang pagngiti..
" first beep. "
maiksi nyang pagkasabi sakin at ngumiti sya nang mapait..