Chapter 5 : 1st WISH

1035 Words
Caleigh's p.o.v " sigurado kang palalayasin mo sa bahay mo yung magbibigay nang swerte sa buhay mo caleigh skye? " napakunot naman yung noo ko at napalunok nalang.. itinulak ko sya nang malakas na naging dahilan nang pagbagsak naming dalawa sa sahig kasi nakalimutan kong nakahawak parin nga pala yung kamay nya sa kamay ko.. habang nakaibabaw ako sakanya at nanlalaki yung mata ay nanatili lang syang kalmado habang seryosong naktitig sa mata ko.. napakurap kurap naman ako sakanya at dali daling tumayo kaya nabitawan na nya yung kamay ko.. napahinga nalang ako nang malalim at napatalikod sakanya.. " nagugutom ako.. " " may pagkain ka ba dyan? " napalingon naman ako sakanya na nakaupo at nakapangalong baba sa lamesa ko habang nakatingin sakin.. " wala. " " kaya makakaalis ka na. " mataray kong sabi sakanya.. tinignan naman nya ako nang walang kagana gana.. " ang hirap mo naman caleigh. " kaswal nyang pagkakasabi sakin tapos inayos nya yung upuan sa may gilid nya at ipinuwesto nya yon sa harapan nya.. napatingin nalang ako sa ginagawa nya tapos ay sinenyasan nya akong umupo doon sa upuan na inayos nya sa harapan nya pero pumamewang nalang ako at tinitigan sya.. " bakit kilala mo ko ha? " " sino ka ba? " nakakunot na noong tanong ko sakanya.. napairap naman sya sa kawalan tapos ay hinila nya yung kamay ko at inupo ako doon sa upuan na inayos nya na nakatapat sa harapan nya.. " pwede ba? " " mag wish ka nalang muna sakin nang pagkaing gusto mo , kasi gutom na gutom na talaga ako. " " mag eexplain ako sayo kapag busog na  ko okay? " sabi nya pa sakin.. tinitigan ko lang sya at saka pinagtaasan nang kilay.. " ano to , joke time? " walang gana kong tanong sakanya.. tinitigan nya lang din ako at napakamot nalang sya sa ulo.. " Caleigh Skye Loper.. " " utang na loob.. " " umpisahan mo nalang yung sasabihin mo sa ' gusto ko .. ' " sabi nya pa sakin.. napanganga nalang ako sakanya habang tinititigan sya.. malala siguro yung pagkakabagsak nya kanina e.. san kaya sya galing? " caleigh , dali na kasi.. " " nagugutom na talaga ako. " " kung ayaw mo mag wish , kakainin talaga kita promise. " sabi pa nya sakin.. napailag ako nang konti sakanya habang sya ay parang kawawang bata na nagkakamot nang ulo na parang nagmamaktol.. tinitigan ko muna sya bago ako napabuntong hininga.. " bakit kasi ako pa yung mag w-wish? " nagtataka kong tanong sakanya.. napalunok naman sya at napakamot nanaman sa ulo.. " p-pwede ba caleigh. " " pakainin mo muna ako bago ako mag explain. " parang pagod na pagod na nyang sabi sakin  tinitigan ko naman sya at naawa sa itsura nang mukha nya.. " s-sige na nga. " " ano bang gagawin ko ha? " " paano? " pataray kong tanong sakanya.. agad naman syang napangiti at inexplain sakin kung paano ako mag w-wish.. sabi nya , sabihin ko daw muna yung word na ' gusto ko '  tapos sabihin ko kung anong gusto ko.. pagtapos non ay hahawakan ko yung kanang kamay nya gamit yung kaliwang kamay ko habang yung kaliwang kamay daw nya ay nakatakip sa mga mata ko.. hindi ba ko parang uto uto nito? para kasing joke time talaga e.. pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko e. " game , caleigh. " seryoso nyang pagkakasabi sakin.. napatango tango naman ako at napalunok.. " gusto ko nang fried chicken , fish , rice , fruits , vegetables , fresh milk , fries , burger , tapos u-uhm.. ice cream. " mahabang wish ko sakanya at napangiti naman sya agad.. " caleigh.. " " take my hand , 'coz your wish is my command. " nakangiti pa nyang pagkakasabi sakin.. hinawakan ko nalang yung kanang kamay nya gamit yung kaliwang kamay ko tapos ay itinakip na nya sa mata ko yung kaliwang kamay nya.. parang adik na adik na talaga tong lalaking to e.. ano kayang klaseng drugs yung tinira nito.. ilang saglit pa ay tinaggal na nya yung kamay nya sa pagkakatakip sa mata ko.. napairap naman ako sakanya at napatingin doon sa lamesa na punong puno nang mga sinabi ko kanina na gusto ko.. nanlaki nalang yung mata ko at napatakip pa ko sa bibig ko.. tinignan ko naman sya na ngayon ay nakangiti na habang nakatingin sa fried chicken na parang takam na takam na sya.. " paan-.... " hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang bigla syang nagsalita at dali dali nyang kinuha yung isang hita nang manok.. " pengeng chicken ha. " nakangiting sabi pa nya tapos ay nilantakan agad nya yon.. napasandal nalang muna ako sa upuan habang pinagmamasdan syang ganadong ganado sa pagkain.. napatingin naman ako doon sa lamesa na punong puno na nang pagkain.. paano kaya nya nagawa yon? sino ba talaga tong lalaking to? a-anong klaseng nilalang ba sya? makalipas ang 30 minutes ay natapos syang kumain pero ang dami parinc tiranf pagkain sa lamesa.. napasandal naman sya sa upuan at nakangiting humawak sa tyan nya.. tinitigan ko lang sya habang naka cross arms at saka ako sumandal sa upuan.. " oh , so ano nang kwento ha? " " sino ka ba talaga? " " bakit ka nakapasok dito sa lugar ko? " " i-i mean paano? " sunod sunod kong tanong sakanya.. agad agad naman syang ngumiti sakin at pumangalong baba nanaman sa lamesa na para bang nagpapa-cute pa sya.. " hindi dapat ' sino ' .. " " ang tamang term ay ' ano ' " sabi pa nya sakin.. napairap nalang ako sa kawalan at saka sya umayos nang upo.. " sabi ko nga kanina sa labas.. " " I'm NEO the WISE comet.. " " inshort , ako yung neowise comet na nanggaling pa nang planet 040303 " " tapos , nasiraan yung sasakyan na sinasakyan ko papunta sa kabilang planeta kung saan nandoon yung pamilya ko. " pagpapaliwanag pa nya sakin.. napanganga nalang ako sa pinagsasabi nya pero bigla akong napatingin doon sa mga pagkaing nasa lamesa.. " eh bakit tinutupad mo yung wish ko? " dagdag na tanong ko pa sakanya.. napangiti naman sya sakin tapos ay uminom nung fresh milk ma hiniling ko sakanya tapos ay tumingin ulit sya sakin.. " wala e , ikaw yung maswerteng taong una kong nakita. " sagot naman nya sakin at saka tumayo sya.. " pero pwede rin naman akong mag wish para sa sarili ko..." " pinaggamit ko lang yung isa mong wish para hindi mabawasan yung akin.. " dagdag pa nyang sabi sakin tapos ay inayos nya pa yung nakaharang na buhok sa mukha ko at inilagay yun sa gilid nang tenga ko.. " ang wise ko diba? " malokong tanong pa nya sakin tapos ay kinindatan pa nya ako.. aba't siraulo pala talaga to e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD