Chapter 6 : UNDERWEAR

1015 Words
Caleigh's p.o.v " san pala ako matutulog? " nagtataka pa nyang tanong sakin.. napataas naman yung kilay ko at tumayo habang nakatingin sakanya.. " anong matutulog pinagsasasabi mo ha? " mataray kong tanong sakanya.. napatitig naman sya sakin at sinundan lang ako nang tingin habang nilalampasan ko sya.. " grabe ka naman sakin caleigh skye! " " pagkatapos kong tuparin yung first wish mo , ganito lang yung igaganti mo sakin? " pag r-rant pa nya sakin.. napalingon naman ako sakanya at napa cross arms habang tinitignan yung mukha nya.. delikado tumingin sa may babang part e.. baka iba nanaman yung makita ko. " sino bang kumain nang winish ko ha? " pagtataray ko pa sakanya.. napalunok naman sya agad at napakamot nalang sa ulo nya tapos ay napangiti nang hilaw sakin.. tatalikod na sana ako ulit para iwanan sya doon nang bigla nyang hawakan yung magkabilang braso ko para pigilan ako.. nanlaki naman yung mata ko dahil sa gulat habang sya ay nakatingin sa may taas nang dibdib ko.. binitawan naman yung dalawang braso ko tapos ay napahawak sya sa pendant nang kwintas ko.. " neowise comet to diba? " tanong pa nya sakin habang sinusuri nya yung kwintas.. hindi nalang ako nakagalaw at nakapagsalita dahil sa sobrang lapit nang katawan nya sa katawan ko.. " pano ka nagkaron nito? " nagtatakang tanong pa nya ulit at saka unti unti nyang inangat yung paningin nya sakin.. napaiwas naman ako nang tingin sakanya at napakamot nalang sa ulo.. " m-matulog ka nalang.. " " bukas , hahanapan kita nang damit sa taas.. " " m-mukha namang kasya sayo yung damit ni dad e. " sagot ko nalang sakanya tapos ay nabitawan na nya yung pendant ko at tinitigan nya ko sa mata tapos ay ngumiti sya nang matamis.. napatingin naman ako sakanya saglit pero tumalikod nalang ako sakanya kasi ano.. kasi , n-naiilang ako kapag nakikita ko syang nakangiti. binuksan ko nalang yung pintuan nang kwarto ko at nakasunod lang sya sakin.. napaharap naman ako sakanya at tinitigan sya.. " dito ba ko matutulog master caleigh? " nakangiting tanong pa nya sakin.. napakunot naman yung noo ko nang tawagin nya akong master caleigh.. dahil inaantok at napapagod narin talaga ako ay hindi ko nalang muna pinansin yung pagtawag nya sakin at kinuha ko nalang yung foam sa gilid nang kwarto ko at inilatag yun sa tabi nang bed ko tapos nilagyan ko nang isang unan at binigyan ko sya nang kumot.. " dyan ka matutulog .. " " mag uusap pa tayo bukas.." pagtataray ko sakanya at kumuha ako nang maluwag kong damit at ibinigay ko sakanya yon.. may shorts naman akong pang basketball sa cabinet ko tapos.. binigyan ko nalang muna sya nang hindi pa nagagamit na panty ko.. w-wala naman akong brief dito e.. nag b-brief ba ko ha?!  " oh , magbihis ka muna.. " " kahit papano naman , may puso parin ako. " " baka kasi lamigin ka habang natutulog ka dyan , tapos sisihin mo pa ko kapag nagkasakit ka. " sabi ko sakanya sabay abot nung mga damit.. napatingin naman sya doon sa damit tapos ay inangat nanaman nya yung tingin nya sakin at ngumiti nanaman sya nang matamis.. " buti nalang sayo ako nahulog. " maiksing sambit nya tapos ay lumabas sya nang kwarto ko at sinara muna yon tapos doon na sya nagbihis.. sinundan ko nalang sya nang tingin hanggan sa makalabas sya.. * dug dug dug dug * * dug dug dug dug * * dug dug dug dug * napahawak ako sa dibdib ko at napaupo nalang sa kama.. b-bakit ganito yung t***k nang puso ko? b-bakit kinakabahan ako? napalunok nalang ako habang nakahawak sa dibdib ko at napatulala nalang.. ilang saglit pa ay bumukas na yung pinto at pumasok na sya.. napatakip naman ako sa bibig ko at pinigilang matawa habang nakatingin sa suot suot nyang shorts kung saan nasa labas yung panty na binigay ko.. bulaklakin paman din yon. " m-mali n-naman yung pagkakasuot mo. " " eto muna yung unahin mong isuot! " pagtuturo ko pa sakanya habang nakaturo ako doon sa nakalabas na panty.. ang hirap magsalita kapag pigil na pigil yung tawa mo. jusko. " t-tapos , s-susunod m-mong susuotin tong  s-shorts. " dagdag ko pang sabi sakanya at napatango tango lang sya.. " sorry na.. " " sabi ko nga mali ako e. " sagot nya pa sakin tapos ay nagmadali ulit syanf lumabas nang kwarto.. nang maisara na nya yung kwarto ay hindi ko napigilang mapangiti nang konti.. ano ka superhero? nasa labas yung underwear? napaupo nalang ulit ako sa kama at saka sinampal nang mahina yung sarili ko para maalis yung ngiti sa labi ko.. sa nakaraang tatlong taon.. nagawa kong ngumti ulit kahit na hindi ganon kalaki yun.. a-anong meron sayo? bakit napapangiti mo ko nang ganito? napabuntong hininga nalang ako at humiga na sa kama ko.. makalipas ang tatlong minuto ay pumasok ulit sya sa kwarto at maayos na yung shorts nya.. nilock nya na yung pintuan nang kwarto tapos ay sumampa na sya sa kama sa baba ko.. " goodnight master caleigh! " " sweet dreams. " " salamat sa damit at place na pagtutulugan. " malambing pa nyang sabi sakin habang nakahiga na rin sya sa foam.. napalunok naman ako at inayos ko nalang yung pagtaklob nang kumot sa buong katawan ko habang nakatagilid sa paghiga.. " m-matulog ka na dyan.." " kailangan mo pang mag explain sakin bukas. " " hindi ko pa masyadong na g-gets yung explanation mo ngayon kasi sobrang napapagod pa ko. " sabi ko naman sakanya at saka inayos ko ulit yung pagkakataklob nang kumot sa buong katawan ko dahil nag iba ako nang pwesto nang paghiga. bakit ba kasi dito ko pa sya naisip patulugin? dapat pala sa may sala nalang.. maluwag luwag naman doon e. ipinikit ko nalang yung mata ko dahil napapagod na talaga ako.. bukas ko nalang sya palilipatin doon.. tapos kakausapin ko ulit sya pag uwi ko galing nang coffee shop.. wala naman akong klase bukas kaya makakauwi ako nang maaga. ipinikit ko nalang ulit yung mga mata ko at unti unti naman ako agad dinapuan nang antok.. baka paggising ko din bukas , wala na sya.. para kasing nanaginip lang ako ngayon e.. " hay nako caleigh skye... kung ano ano nang mga nakikita ng mga mata mo. " maiksi at mahinang sambit ko nalang sa sarili ko dahil sa sobrang pagod ko narin talaga siguro to. napadilat ako ulit tapos ay bigla kong naalala lahat ng pinakita nya sakin.. napabuntong hininga nalang ako at umayos ng pwesto sa pagkakahiga.. hindi kasi ako makapaniwala doon sa pinakita nyang mga pagkaing sinabi ko.. imposible namang mangayari sa totoong buhay 'yon..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD