Caleigh's p.o.v
nang makapasok kaming dalawa sa bahay ay may nakahanda nanamang pagkain sa lamesa..
napatingin ako sakanya habang nakaupo na sya doon sa tapat nang lamesa at nakangiting tinitignan ako..
" kain na tayo master caleigh! "
masayang sabi pa nya sakin..
ibinaba ko nalang yung payong sa may gilid nang bintana at tinitigan sya..
parang biglang nawala yung pagod at galit ko bigla..
bakit ganon yung epekto sakin nang ginagawa nya?
" alam mo kung bakit ganyang yung epekto
sayo? "
tanong nya sakin..
napakurap naman ako bigla nang maalala kong nababasa nga pala nya yung tumatakbo sa utak ko..
naupo nalang ako sa tapat nya at dali daling kumuha nang pinggan at nagsandok nang kanin..
" k-kumain ka na.. "
" pagtapos kumain , pag uusapan natin yang pagbasa mo sa utak ko neopanget. "
sabi ko nalang sakanya at saka ako naglagay nang ulam sa plato ko..
" a-ano? "
" n-neopanget tawag mo sakin? "
" ang u-unfair naman n-nyan. "
" master caleigh tawag ko sayo tapos i-ikaw.. "
" n-neopanget talaga? "
parang hindi nya matanggap na sabi sakin..
sumubo nalang ako nang kanin at saka tinignan sya at napangiti nang konti habang ngumunguya..
nakatingin lang sya sakin nang seryoso nung una pero biglang nag iba yung reaksyon nya bigla at ibinaling nya yung mata nya sa kanin..
" pasalamat ka , ang cute mo kapag
nakangiti ka. "
" tatanggapin ko nalang yang pagtawag mo nang neopanget sakin. "
sabi naman nya tapos ay nagsimula na rin syang kumain tapos ay tinignan nya rin ako at bahagya pa nyang itinaas yung dalawang kilay nya..
napaiwas naman ako nang tingin sakanya at ibinalik yung reaksyon ko sa dati..
n-ngumiti ba ko?
" oo nga , ngumiti ka nga.. "
" ang cute mo nga e. "
maloko nyang pagkakasabi sakin kaya nanlaki yung mata ko nang mapatingin ako sakanya..
what the..
kailangan na talagang masolusyonan yung pagiging chismoso nang utak nya..
kailangan ko nang dalian yung pagkain ko..
" dahan dahan ka lang sa pagkain
master caleigh.. "
" excited na excited ka naman na ikiss
ako sa lips. "
sabi nanaman nya sakin..
napalunok nalang ako at pasimpleng napailing tapos ay finocus ko nalang yung tingin ko sa pagkain ko at itinigil ko muna yung pagtatanong ko sa utak ko.
bwisit ka talaga neopanget.
nang matapos kaming kumain at sya narin yung naghugas tapos ay pumasok nalang muna ako sa kwarto para magpalit nang damit..
makalipas ang limang minuto ay napagdesisyonan ko nang lumabas at nakita ko sya na nag iintay lang sakin sa may table..
sinundan lang nya ako nang tingin hanggang sa makaupo ako sa tapat nya..
nang tuluyan na kong makaupo ay ipinatong ko yung dalawang kamay ko sa table at saka seryoso syang tinitigan..
" talaga bang sa lips kita kailangang i kiss ha? "
" hindi ba pwedeng i wish ko nalang sayo na hindi mo na mabasa yung tumatakbo sa utak ko? "
tanong ko sakanya..
napasandal naman sya sa upuan at saka nag cross arms pa habang tinitignan ako..
" hindi pwedeng i wish e... "
" hindi eepekto yon. "
sagot naman nya sakin..
napaiwas naman ako nang tingin sakanya saglit tapos ay ibinalik ko rin naman ulit yung tingin ko sa mga mata nya..
" bakit naman hindi ? "
mataray ko pang tanong sakanya..
napairap naman sya sa kawalan at saka sya napabuntong hininga..
" bakit ba kasi hindi mo nalang ako halikan sa noo master caleigh? "
walang kagana gana nyang tanong sakin..
napaayos naman ako nang upo at napakunot yung noo ko habang tinititigan sya..
napaayos din naman sya nang upo nang marealize nya yung sinabi nya sakin tapos ay iniwas pa nya yung tingin nya..
" sa noo naman pala kita hahalikan e.. "
" bakit sabi mo kanina sa labi? "
nagtataka kong tanong sakanya..
dahan dahan naman nyang ibinaling yung tingin nya sakin at napatawa nang hilaw tapos ay napapalakpak pa sya habang tinitignan ko..
" wala , chinicheck ko lang kung mahina talaga yung utak mo.. "
" mukha namang napatunayan kong
mahina nga.. "
hilaw pa syang natatawa habang sinasabi nya sakin yan..
" nasa labi ba yung utak master caleigh , hah? "
tanong naman nya sakin at naging seryoso bigla yung reaksyon nang mukha nya..
tinitigan ko nalang sya nang masama dahil binaligtad pa nya ako ngayon..
tumayo naman ako agad at pumunta sa harapan nya..
gulat naman syang napatingin sakin tapos ay inangat ko sya sa pamamagitan nang pag angat nang damit nya..
nang makatayo na sya ay tinitigan nya nalang ako sa mata..
" baba ka konti. "
matigas kong utos sakanya..
nanlaki naman yung mata nya na para bang hindi nya maintindihan yung sinasabi ko..
pumamewang naman ako at napabuntong hininga nalang..
" sabi ko baba ka nang konti. "
pag uulit ko pa sa sinabi ko kanina..
kahit na medyo mukhang natatanga sya ay bumaba nalang sya nang konti para magkapantay kaming dalawa....
habang nakatitig kami sa mata nang isa't isa ay napalunok nalang ako at saka napailing iling..
agad agad kong inilapit yung labi ko sa noo nya at saka hinalikan yon..
napalayo naman ako nang konti at napahawak sa labi ko nang may maramdaman akong parang nakuryente yung bibig ko nang dumapo yun sa noo nya..
" b-bakit may kuryente? "
nakakunot na noong tanong ko sakanya habang nakahawak parin sa labi ko..
umayos naman sya nang tayo at nakangiting pinagmasdan ako..
" epekto yan nang gusto mong mangyari... "
" sayang , dapat pala hindi ko na sinabi sayo "
" edi sana hanggang ngayon , nababasa ko parin yung takbo nang mahina mong utak. "
parang nadidismaya nya pang sabi at saka inirapan pa nya ako..
napanganga nalang ako nang konti sakanya dahil parang kumakati yung kamao ko at gusto kong sapakin yung mukha nya..
nagulat naman ako nang ibalik nya yung tingin nya sakin at saka lumapit sya agad at tinignan yung labi ko at dahan dahan pa nyang idinampi yung daliri nya doon..
" masakit pa ba? "
" gusto mo i kiss ko na? "
tanong nya sakin tapos ay napatitig nalang ako sa mata nya na halos maduling na ko sa sobrang lapit nang mukha nya sa mukha ko..
napalayo naman ako sakanya at dali daling pinitik yung noo nya..
" b-bwisit ka talagang neopanget ka. "
" ikiskis mo nalang sa pader yang labi mo.
mataray ko pang pagkakasabi sakanya habang sya ay nakahawak sa noo nya at parang sakit na sakit sa pagkakapitik ko..
" ang lakas naman nang pitik mo master caleigh! "
daing pa nya sakin..
napairap nalang ako at saka sya nilampasan..
" sumunod ka sakin , hahanapan
kita nang damit. "
" mukha kang basurero sa suot mo. "
sabi ko pa sakanya habang nakatalikod ako at pasimple akong napangiti..
napatigil naman ako saglit at napahawak sa labi ko..
s-sya lang yung nakapagpangiti nang ganito sakin ulit..
a-ano bang meron sayo neo?