Caleigh's p.o.v
sakto naman ako sa oras nang makarating ako sa coffee shop..
nakangiti akong binati ni mr.perez pagkapasok na pagkapasok ko tapos ay binati ko nalang din sya at pumasok na sya sa office nya..
hindi ko alam kung bakit ang bait bait sakin nang mag asawang perez na may ari nang coffee shop na to..
kahit na part timer lang ako..
yung sahod ko sakanila every week , pang regular na..
habang nililinis ko yung counter table ay biglang tumunog yung chimes na nasa pintuan..
may costumer na agad..
" goodmorning , welcome to N.W.C. coffee shop.. "
bati ko sa pumasok pero hindi ko sya tinignan..
nang pumunta sya sa harapan ko ay hindi ko parin sya tinitignan at nag focus lang ako doon sa computer , kung saan i-input mo yung order nang costumer..
" hi.. "
" can i have american iced coffee.. "
" make it two please.. "
sabi nya sakin..
napatango tango naman ako at agad kong ininput sa computer yon..
" anything else , sir? "
tanong ko sakanya at tinapunan ko sya nang saglit na tingin pero ibinalik ko agad yon sa monitor..
" ikaw.. "
" may gusto ka ba? "
tanong nya sakin..
napatigil naman ako sa pag pipindot at napalunok..
nanatili yung tingin ko sa monitor dahil parang nabobosesan ko sya..
" a-ano po yun s-sir? "
tanong ko ulit sakanya at nagkunwari nalang ako na may pinipindot parin sa monitor..
" a-ah.. "
" wala , yun lang yung order ko. "
sagot nalang nya sakin..
napabuntong hininga nalang ako at umarte nang normal..
" name po sir ?"
tanong ko sakanya..
" Pangalan ko ba talaga ibibigay ko sayo? "
tanong naman nya sakin..
napatigil ako sa pagkukunwaring may pinipindot sa monitor at saglit ko ulit syang tinignan pero naka shades sya at hindi ko masyadong nakita yung mukha nya..
tumalikod nalang muna ako at kumuha nang cup para sa order nya..
" kung ayaw nyo pong ibigay yung name nyo.. "
" kahit ano nalang po yung gusto nyong itawag ko sainyo mamaya kapag ready na po yung order nyo. "
sabi ko nalang sakanya..
bumalik ako ulit doon sa counter at kumuha nang permanent marker tapos yung cup para sa order nya..
" just call me , baby.. "
sagot naman nya sakin..
napalunok nalang ako at tumango tango kahit na parang na j-joke time ako..
ang aga aga ganitong tao yung makakasalamuha ko.
sinulat ko nalang sa cup nya yung pangalang gusto nyang itawag ko sakanya at nang matapos ako ay inilapag ko yon at tumingin nang tagos sa mukha nya kaya hindi parin clear sa paningin ko yung mukha nya..
" okay sir.. "
" i'll just call you when your order is ready.. "
sabi ko nalang sakanya tapos ay dali dali akong tumalikod para simulan nang gawin yung order nya..
kinabahan naman ako nag may mga costumer na sunod sunod na pumasok at naghintay nalang muna sakin habang tinatapos ko yung order nung nauna..
habang nilalagyan nang takip yung coffee na inorder ni..
baby daw.
nang matapos ako ay nilagay ko na yon sa plastic bag at nilagyan na nang tissue at straw yung coffee nya..
napalunok nalang muna ako bago ko sya tawagin..
shocks..
nakakahiya..
bakit ba kasi parang ang lakas namang mag trip nang costumer na to e..
" M-Mr. Baby.. "
nahihiyang sigaw ko tapos ay napatingin ako doon sa mga nakapilang costumer na parang natatawang nakatingin sakin..
" Yes M-Ms.Baby? "
malokong sigaw naman nya at nagtawanan lahat nang bagong costumer sa loob nang coffee shop..
napayuko nalang ako sa sobrang hiya at inabot ko na yung order nya sakanya..
" here's your order sir.. "
" thank you and goodmorning. "
sabi ko nalang sakanya at inentertain ko na yung iba pang costumer..
bakit naman kasi parang ang bilis dumami nang costumer agad..
" welcome to N.W.C coffee shop.. "
bati ko doon sa pangalawang costumer..
nang tignan ko sya ay para syang natatawa sakin na hindi ko maintindihan pero hindi ko nalang pinansin yon at kinuha ko nalang yung order nila..
habang busy ako sa paggawa nang mga coffee ay napalingon ako sa may recieving area nang order at nakita ko yung american iced coffee na inorder nung lalaking una kong costumer..
iginala ko naman yung tingin ko at hindi ko na sya makita sa loob nang coffee shop..
iniwan ko nalang muna saglit yung ginagawa ko at pinuntahan ko yung kape..
nang tignan ko yon ay meron nang note doon na pinatungan nang kape..
ibinaba ko muna yon sa hindi makikita nang mga costumer at binasa yung note na nakasama doon sa kape..
Smile ka din minsan , never pa kasi kitang nakitang ngumiti :'>
enjoy your coffee..
hindi magagalit yung may-ari kapag tinanggap mo to..
promise.
pagkatapos kong basahin yon ay napatingin ako sa kape at iginilid ko nalang muna yon kasama nung note..
kilala ko ba sya?
sino ba yon?
makalipas ang anim oras ay natapos na ko sa shift ko at agad agad akong umuwi..
pinadala na sakin ni mr.perez yung kape na binigay nung costumer at napangiti pa sya nung nakita nya yung note..
ewan ko ba..
dahil sayang naman yung kape , ay ininom ko nalang habang naglalakad ako..
nang matapos ang 30 minutes na paglalakad papunta sa bahay ko ay lumingon muna ako ulit at saka pumasok na nang masigurado kong walang makakakita sakin na pumapasok ako dito..
agad agad kong natanaw yung bahay ko sa hindi kalayuan..
pinasingkit ko nalang yung mata ko dahil medyo nakakasilaw yung araw at wala akong payong na dala dala..
nang malapit na ko sa bahay ay napatingin nalang ako sa may gilid ko at ibinaba yung kamay na hinaharang ko sa mata ko para makita ko nang maayos yung daanan..
napatigil ako sa paglalakad at ganon din yung ginawa nya tapos ay humarap pa sya nang maayos sakin..
" alam mo naman palang maiintan ka , pero hindi ka parin nagdala nang payong? "
kaswal nyang pagkakasabi sakin habang ako ay nakatulala lang sakanya..
napatitig ako sa mga mata nya tapos ay pinitik nanaman nya yung noo ko at ipinahawak sakin yung payong tsaka sya naunang maglakad sakin..
" HOY! NAKAKADALAWANG PITIK KA NA SA NOO KO HA! "
" SASABUNUTAN NA TALAGA KITA! "
gigil kong sigaw sakanya habang hawak hawak ko yung payong..
hindi sya humarap sakin at nagpatuloy lang sya sa pagpasok sa bahay ko tapos nag OK sign lang sya gamit yung kamay nya habang nakatalikod parin..
bwisit na comet to.