Caleigh's p.o.v
nang makapasok na ko sa university ay naging maayos naman yung takbo nang buhay ko hanggang sa second to the last subject ko..
hindi ko lang alam kung magiging maayos parin ba yung takbo nang araw ko kapag pumasok na ko sa subject ni sir albert kung saan doon ko kaklase si lara na girlfriend na drew na may ugaling impakta..
nang makarating na ko sa tapat nang pintuan ng classroom ni sir albert ay bumuntong hininga nalang muna ako bago pumasok..
nang buksan ko na yung pintuan ay agad naman silang napatingin sakin lahat at si lara naman ay halos parang patayin na ko sa mga titig nya..
napaiwas nalang ako nang tingin tapos ay sinara ko nalang yung pintuan at pumasok na sa loob..
pero pagkakita ko sa upuan ko ay may ibang nakaupo doon at isa pa yon sa mga alipores nya..
" oh , anong tinitingin tingin mo dyan loser? "
mataray na sabi pa sakin nung kaibigan nyang inupuan lang naman yung upuan ko..
tinignan ko nalang sya saglit tapos ay dumiretso nalang sa paglalakad papunta sa pinakadulong upuan..
inilagay ko na yung bag ko doon tapos ay umupo nalang ako..
pero pagkaupong pagkaupo ko palang ay napatingin ako kay lara na sobrang talim nang tingin sakin..
hindi ko nalang sya pinansin at ibinaling ko nalang sa iba yung tingin ko..
ilang saglit pa ay dumating na si sir albert..
" goodmorning class.. "
bati pa nya samin habang papasok sya..
agad agad naman kaming tumayo nang tuluyan na syang makapunta sa gitna namin..
" goodmorning sir albert. "
bati rin namin sakanya pabalik tapos ay naupo na kaming lahat..
pagkaupo ko naman ay bumuntong hininga nalang ulit ako dahil medyo na stress lang at napagod ako nang konti doon sa calculus namin..
" before we proceed to our lesson.. "
" may gustong mag seat in ngayon sa
klase natin para makinig din at matuto.. "
paninimula pa ni sir..
napahilot nalang ako sa ulo at ipinikit ko pa yung mata ko..
" pasok ka na mr.gomez... "
sabi pa ni sir tapos ay narinig kong bumukas yung pintuan pero hindi ko nalang yon tinignan tapos ay kumuha nalang ako nang notebook sa bag ko para sa notes mamaya..
" introduce yourself first.. "
sabi pa ni sir albert sakanya..
uso naman talaga yung seat in sa mga klase ngayon kaya hindi na bago samin yan..
" hi.. "
napatigil naman ako sa pagbuklat nang notebook ko nang bumati yung mag s-seat in samin ngayon..
" my name is neo gomez.. "
dagdag pa nyang pagkakasabi..
unti unti ko namang inangat yung ulo ko sa harapan at napanganga nalang ako nang makita ko si neo sa harapan habang walang mababakas na kahit anong reaksyon sa mukha nya..
b-bakit nandito to?
iginala naman nya yung mata nya na parang may hinahanap sya..
nang madako yung tingin nya sakin ay agad syang napangiti nang tipid tapos ay sabi ni sir ay humanap na sya nang gusto nyang upuan..
nag bow lang sya kay sir tapos ay dumire diretso nang lakad pero nang matapat sya sa upuan ko dapat ay bigla syang pinigilan nung isang alipores ni lara..
" d-dito ka na sa tabi ko..."
parang nahihiya hiya pa nyang sabi kay neo pero hinawakan nya yung braso..
aba't napakaharot talaga nitong babaeng to e..
ginigigil talaga yung buong pagkatao ko.
agad agad namang inalis ni neo yung pagkakakapit nung babae sa braso nya tapos ay tinignan nya yon nang walang mababakas na kahit anong reaksyon sa mukha nya..
" ayaw kitang katabi. "
" sorry. "
sabi pa nya tapos ay naglakad si neo nang diretso ulit at napatingin naman ako sa mga babaeng sinusundan sya nang tingin habang yung tinatahak nyang daan ay patungo sakin..
napalunok nalang ako nang tabihan nya ko tapos ay napatingin ako sakanya at ngumiti lang sya sakin...
" so , let's start. "
sabi pa ni sir albert sa unahan..
" anong ginagawa mo dito? "
bulong kong tanong sakanya habang nakatingin sa harapan..
sumadal naman sya sa upuan nya na nasa tabi ko tapos ay mahina pa syang natawa..
" ganyan ka ba mag welcome nang new classmate mo master ko? "
mahinang pagkakasabi pa nya sakin...
dahan dahan ko namang ibinaling yung tingin ko sakanya at pinandilatan sya nang mata pero napahawak nalang sya sa labi nya habang tinitignan ako tapos ay nginitian pa nya ako nang nakakaloko..
huminga nalang ako nang malalim at saka ibinalik yung tingin ko sa harapan para makinig na..
" nakakaboring sa bahay mo e.. "
" atleast kapag inaraw araw ko na yung pag s-seat in ko dito.. "
" sabay tayong uuwi nang may natututunan diba? "
daldal pa nya sakin..
saglit ko nalang syang tinignan at inirapan..
" ang ingay mo , hindi ako makapag concentrate. "
bulong ko pa sakanya..
mula non ay hindi na sya nagsalita pa at nakinig nalang..
2 hours yung klase namin kay sir albert pero 30 minutes palang yung nakakalipas habang nag didiscuss sya..
hindi pa ako makapagconcentrate nang maayos dahil kay neo..
kada mapapatingin kasi ako sakanya..
nakikita kong nakatingin sya sakin.
" answer this one on your notebook then pass your notebook infront. "
sabi pa ni sir albert..
hindi ko na kailangan pang kuhain yung notebook ko dahil kanina ko pa yon nilabas..
napatingin naman ako kay neo na nasa harapan na yung tingin nya..
" mr.gomez.. "
" okay lang na hindi mo sagutan to kung wala kang dalang gamit. "
nakangiting sambit sakanya ni sir albert..
napatingin naman ako sakanya na nginitian lang si sir nang tipid tapos ay tumango tango..
" mr.gomez pala ha. "
mahinang pagkakasabi ko pa habang natatawa ako nang mahina tapos ay napatingin sya sakin at agad ko namang ibinalik yung tingin ko sa harapan...
" bakit? "
" ayaw mo bang maging mrs.gomez ka pagdating nang panahon , caleigh ko? "
malokong pagkakasabi pa nya sakin..
dahan dahan naman akong napatingin sakanya tapos ay inirapan ko nalang sya at nagfocus sa sinasagutan ko..
naging tahimik naman sya sa tabi ko habang pinanonood nya akong magsagot..
madali lang naman yung quiz kaya lang sa last number ako nahirapan kasi nakalimutan ko yung sagot dito..
tinitigan ko pa yon nang ilang minuto pero hindi ko talaga maisip yung sagot..
napabuntong hininga nalang ako at napakamot sa ulo nang biglang magsalita si neo sa tabi ko..
" gas particles.. "
" napakahina naman nang utak mo caleigh skye.. "
mahinang sabi pa nya sakin habang nakatingin sya sa harapan tapos ay napapailing iling pa..
gas particles pala e..
ang hina nga nang utak mo caleigh skye..
tsk tsk tsk..