Chapter 28 : HAHANAPIN KITA , LUNA

1123 Words
Caleigh's p.o.v nang ipasa na namin yung notebook sa harapan ay bigla akong binulungan ni neo.. " perfect ka don.. " bulong pa nya sakin.. inirapan ko nalang sya at sumandal sa upuan tapos ay mahinang natawa.. " i know right " confident ko pang sabi sakanya kahit na hindi talaga ako confident sa sinagot ko.. nagkatinginan naman kaming dalawa tapos ay natawa nalang nang mahina.. " okay class.. " sabi ni sir samin.. napaupo naman ako nang maayos at ganoon nalang din yung ginawa ni neo.. " narinig nyo na ba yung kwento ni sol at luna? " tanong pa nya samin.. napakunot naman yung noo ko nang marining nanaman yung pangalang luna.. " yes sir.. " sagot naman nilang lahat.. may kwento pala yon? bakit hindi ko man lang alam yung kwentong yon? " eh yung kwento ni neowise at ni luna narinig nyo na ba? " tanong pa nya samin.. nakita ko namang nagkatinginan yung mga kaklase ko tapos ay natawa pa.. unti unti ko namang ibinaling yung tingin ko kay neo na seryosong nakatingin sa harapan.. " s-sir? " " anong kwento po ba yan? " tanong naman nung isa naming kaklase.. napangiti naman si sir sakanya tapos ay nagulat nalang ako nang ibaling nya yung tingin nya sakin.. tumagal din siguro yon nang ilang minuto hanggang sa maisipan nyang iiwas yung tingin nya.. " gusto nyo bang marinig yung kwento nila? " nakangiting tanong pa nya habang inililibot yung tingin nya saming lahat.. science yung subject nya pero bakit parang biglang may pa story telling dito? " YES SIR! " excited naman nilang sagot kay sir.. sus , gusto nilang pakwentuhin si sir para maubos yung oras nya sa pag k-kwento lang.. pero sige lang .. turtang turta din naman na yung utak ko kanina pa e.. pumunta si sir sa may harapan nang lamesa nya tapos ay inupuan pa nya yon at saka sya nag cross arms habang nakatingin saming lahat.. " kung yung kwento ni sol at luna ay pinasakit yung damdamin nyo.. " " mas sasakit yung damdamin nyo kapag nalaman nyo na yung kwento ni neowise na umibig kay luna na ang tanging mahal ay si sol kahit na hindi sila nagkikita.. " paninimula pa ni sir.. napalunok nalang ako habang pasimple kong tinignan si neo na nakatingin lang sa harapan at nakikinig lang.. ibinalik ko nalang yung tingin ko kay sir at muling nakinig sakanya.. " ang kwentong inyong mapapakinggan ay papamagatan kong .... " ' Hahanapin kita , Luna ' Noong unang panahon sa kalawakan.. May isang napakaliwanag at napakagandang buwan na nagngangalang luna.. Si luna ang may pinakamagandang hugis na buwan na tinatawag nating ' cresent moon ' May dalawa pa syang kapatid na babaeng nagngangalang Hannah (  Half Moon ) at FIONA ( Full Moon ) Kada gabi ay isa sakanilang tatlo yung makikita sa kalangitan pero ang iniintay palagi nang mga bituin ay si luna dahil sa angking kagandahan nito at kabaitan.. Minsan lang sya kung lumabas ngunit kapag sya na yung lumalabas ay maraming naglilitawang bituin para makita sya.. Maraming nanliligaw sakanya sa kalawakan pero ang tanging tinitibok lang nang puso nya ay si sol na sa umaga lang nakikita.. Dahil sya ang paborito nang lahat ay nagselos sakanya si hannah at fiona  Hindi nila kinakausap si luna at hindi sinasama sa kulitan nilang dalawa.. Isang gabi , nang si luna ang lumabas sa kalangitan ay agad agad ding naglitawan ang napakadaming bituin para panoorin syang paliwanagin ang buong kalupaan.. Sakto namang ang araw din na yon ang pagpunta ni neowise sa kabilang planeta kaya nakita nya si luna.. Nang magtama yung tingin nilang dalawa nang mapadaan sya ay nginitian sya nang buwan na yon.. Agad namang nahulog yung loob ni neowise sa mga ngiti nya at mula nung araw na yon ay matyagang naghihintay si neowise nang 6,800 years para makapunta sa kabilang planeta at masilayan ulit ang kagandahan ni luna.. nang makatatlong beses syang nagpapabalik balik sa dalawang planeta para makita lang si luna at palagi syang nginingitian nito kapag napapadaan sya ay doon nya naramdaman na tuluyan na ngang nahulog yung loob nya kay luna.. liligawan na sana nya si luna nang malaman nyang ang tinitibok pala nang puso nito ay si sol.. sobrang nasaktan si neowise sa mga panahong 'yon ngunit dahil mahal nya si luna , ay naging masaya nalang sya para sa dalaga.. palagi parin nyang nasasaktuhan ang paglabas ni luna kapag pupunta sya sa kabilang planeta.. nakikita nya paring nakangiti ang dalaga ngunit hindi maitago nang mga mata nito ang kalungkutan dahil sa pangungulila nya kay sol.. kaya naman nag isip nang paraan si neowise para makita nya si sol kahit isang beses lang.. pinakiusapan nya ang pinuno nang kalawakan na kung maari bang magkita kahit sandali lang si sol at luna.. um-oo ang pinuno ngunit may kondisyon sya kay neowise.. ang 6,800 years nyang pag iintay para makatawid nang kabilang planeta at makita si luna ay t-triplihin nang isang beses lang naman.. kaya maghihintay sya nang 20 , 400 years para makita ulit si luna.. kahit na mahirap para sakanya ay tinanggap nya nang buong puso ang naging kondisyon nang pinuno at kinabukasan ay agad agad na nagkita si sol at luna sa unang pagkakataon habang sya ay tinatanaw lang silang dalawa sa malayo.. akala ni neowise ay makikita parin nya ang dalaga pagkalipas nang 20 , 400 years.. pero nagkamali sya sa akalang yon.. hindi nya inasahan na yun na pala yung huling makikita nya si luna tapos ay nasaksihan pa nya na masaya ito sa piling ni sol.. ang tanging gusto lang ni neowise ay makitang masaya si luna at kuntento na sya na hanggang tingin nalang talaga sya sa dalaga.. makalipas ang 20 , 400 years ay muling tumawid sa kabilang planeta si neowise.. pero sa pagkakataong ito , ay hindi na si luna ang nasilayan nya.. akala nya ay hindi lang sumakto sa pagtawid nya ang paglabas ni luna sa kadiliman.. pero nakailang balik na rin sya at hindi na nasilayang muli si luna.. napag alaman ni neowise sa kapatid nitong si fiona na naparusahan si luna.. hindi na sinabi ni fiona kung paano pinarusahan si luna ngunit sinigurado nya kay neowise na hinding hindi na ulit magiging parte nang pagpapaliwanag sa kalupaan tuwing gabi si luna.. ilang taon pa ang nakaraan ay napagalaman nyang ipinakasal si fiona kay sol.. dahil sa tindi nang galit na naramdaman nya kay sol ay naisipan nyang hanapin si luna kahit na sinabi pa sakanya ni fiona na wala na talaga ang dalaga.. ngunit hindi nawalan nang pag asa si neowise.. hinanap nya parin si luna kahit na ikapahamak na nya.. kung si sol ay nagpakasal kay fiona dahil nawala si luna.. si neowise naman ay hinahanap parin hanggang ngayon si luna kahit na alam nyang may napakalaking tyansa na piliin parin ni luna si sol kung sakaling mahanap nga talaga nya ang dalaga at makabalik na.. Luna : Mananatiling ikaw ang tinitibok nang puso ko sol.. Sol : Patawarin mo ko luna , Hindi na kita naintay pa... Neowise : Hahanapin kita luna.. At kapag naibalik na kita at sinabi mo sakin na si sol parin talaga.. Bahala ka na dyan , ayaw mo sa seryoso na handa kang mahalin nang todo. ( --_-- )
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD