Caleigh's p.o.v
" goodbye class.. "
pagpapaalam ni sir albert samin at saka lumabas..
grabe naman yon..
ganon ba talaga kamahal ni neo yung luna na yon?
habang nag iisip ay inayos ko nalang yung gamit ko at nagmadaling tumayo para umalis..
ang swerte ni luna..
bumuntong hininga nalang ako at kinuha yung bag ko tapos ay tumayo na at saka naglakad palabas..
hindi ko na inintindi pa si neo kasi may luna naman sya..
habang naglalakad sa hallway ay naririnig kong pinagbubulungan sya nang mga babae habang parang kilig na kilig pa sila nang makita nila si neo..
gwapo naman talaga sya..
kaya lang , wag tayo dyan..
may luna na yan.
" hey caleigh! "
" teka lang , ang bilis mo namang maglakad.. "
sigaw pa nya habang naglalakad kami sa hallway..
nang maabutan nya ako ay agad syang pumantay sakin na parang hingal na hingal sya..
" bakit hindi mo ko inintay? "
" ikaw nga inintay kitang matapos kang mag ayos nang gamit mo tapos ako , iniwan mo kong mag isa doon. "
parang bata pa nyang pagkakasabi sakin habang sabay kaming naglalakad na dalawa..
tinignan ko lang sya saglit tapos ay ibinalik ko ulit yung tingin ko nang diretso sa daanan..
" n-naano.. "
" u-uhm , kasi n-naiihi na ko kaya iniwanan kita. "
" sorry. "
sabi ko nalang sakanya habang nakatingin parin nang diretso sa daanan..
napa 'ahh' naman sya sakin at mukhang naniwala talaga...
bahala ka dyan , hanapin mo na yung luna mo.
nang makalabas kami nang unitversity ay nakita ko si drew at yung mga kaibigan nyang pinatumba lang ni neo..
agad namang hinawakan ni neo yung kamay at napatingin sakanya na matalim ring tinitignan sila drew..
" neo , wag mo nang titigan.. "
" pabayaan mo nalang.. "
sabi ko pa sakanya dahil baka magamit nanaman nya yung kapangyarihan nya at bigla nalang lumutang sila drew nang napakataas tapos bigla nyang maisipang ibagsak..
ayoko na ulit syang makitang naninigas na parang yelo..
natatakot ako na baka imbes na matagal pa syang mag stay dito sa earth..
bigla nalang syang pabalikin doon sa planeta nila tas doon sya maparusahan.
hinila ko nalang sya palayo at nakalabas naman kami nang university nang walang nasasaktang kahit sino..
" bat naisip mong mag seat in sa klase ni sir albert, ha? "
tanong ko sakanya habang nagalalakad kami pabalik nang bahay..
napatingin naman sya sakin tapos ay saglit din akong napatingin sakanya pero iniwas ko agad yon at tumingin nalang nang diretso..
" wala naman , gusto na kitang makita e.. "
" ang tagal tagal mong wala sa bahay , tapos wala din naman akong ginagawa doon. "
kaswal nyang pagkakasabi sakin..
napatingin naman ako sakanya nang i diretso na nya yung tingin nya sa daanan...
" e-edi h-hanapin mo nalang si l-luna. "
maiksing sambit ko sakanya tapos ay iniwas ko agad yung tingin ko sakanya nang makita kong lumingon sya para tignan ako..
" palagi ko naman syang hinahanap e.. "
nakangiting sagot pa nya sakin..
napatigil naman ako sa paglalakad tapos ay napatigil din sya nang marealize nyang hindi na nya ako kasabay maglakad..
pumunta naman sya sa harapan ko habang ako ay napatitig lang sakanya..
" edi hanapin mo ulit , tas hanapin mo nang buong araw para mahanap mo sya agad. "
sabi ko sakanya tapos ay napairap nalang ako at napalunok..
bat ba nagkakaganito ako?
ano bang kinain ko kanina?
napatawa naman sya nang mahina kaya naibaling ko ulit yung tinhgin ko sakanya tapos ay nag cross arms nalang ako habang tinitignan syang tumatawa sa harapan ko..
itinaas ko pa yung isa kong kilay habang tinitignan ko sya..
" anong tinatawa tawa mo dyan? "
" may nakakatawa ba , ha? "
asar kong sabi sakanya tapos ay agad syang napatigil sa pagtawa at tinignan ako habang nakangiti naman sya..
" ang cute mo naman magselos master caleigh.. "
malambing pa nyang sabi sakin..
agad naman akong natauhan tapos ay ibinaba ko yung kamay kong naka cross arms at saka pinagtaasan sya nang kilay..
" s-selos ka dyan.. "
" anong selos pinagsasabi mo ha? "
sabi ko sakanya tapos ay sarcastic pa kong natawa..
" tabi nga dyan , ang init.. "
" uuwi na ko. "
sabi ko pa sakanya tapos ay hinawi ko sya nang konti para makadaan ako..
sus , ako magseselos?
hahaha..
imposible yan.
bakit ako magseselos ha?
bat ako magseselos sa luna na sinabi ni sir albert?
maganda ba yon ?
mas maganda ba sakin yon?
psh , ako magseselos?
punyeta.
sobra.
" caleigh! "
" teka lang naman , dahan dahan naman sa paglalakad.. "
sigaw pa ni neo habang hinahabol nanaman nya ako para sabay kaming maglakad..
bahala ka sa buhay mo..
doon ka na sa luna mo.
hahanap nalang ako nang totoong tao dito.
nang makapasok kami doon sa may malaking puno papunta sa bahay ko ay nanatili akong tahimik at hindi parin sya pinansin..
" caleigh , gusto mo nang chocolates? "
masiglang tanong pa nya sakin..
dahan dahan ko naman syang tinignan at nakita ko syang ang laki nang ngiti habang nakatingin sakin...
inirapan ko nalang sya tapos ay ibinalik yung tingin ko sa daanan..
" ayoko , masakit sa lalamunan yon. "
" masyadong matamis. "
walang kagana gana kong sabi sakanya at nagpatuloy sa paglalakad..
" edi ano nalang.. "
" gusto mo nang gulay? "
tanong pa nya sakin..
napatingin naman ako sa bahay ko na parang habang papalapit kami ay lumalayo pa yon samin..
" ayoko , marami non sa bahay.. "
nakataas na kilay na sagot ko pa sakanya..
" ano nalang.. "
" f-fruits.. "
" tama yun nga .. "
" ano ? gusto mo fruits? "
tanong ulit nya sakin..
bumuntong hininga nalang ako at napatigil saglit sa paglalakad tapos ay tinignan sya na nakangiti parin sakin..
napairap nalang ulit ako at nagpatuloy sa paglalakad tapos ay sinundan lang ulit nya ako..
" marami ding fruits sa bahay. "
maiksing sagot ko sakanya..
ang daming tanong nito.
nakakainis na.
" edi bulaklak nalang? "
tanong ulit nya sakin..
hindi ko na sya tinignan pa at napakamot nalang sa ulo ko..
" ayoko non , nalalanta. "
sagot ko naman sakanya habang nakatingin parin nang diretso..
hindi ko rin alam kung bakit sumasagot parin ako sakanya kahit naasar na ako..
" ako.. "
maiksing sabi nya sakin..
napatigil naman ako sa paglalakad at kumunot yung noo ko sa sinabi nya..
napatitig naman ako sa mata nya at unti unti kong nairelax yung noo ko..
" gusto mo ba ko caleigh? "
seryosong tanong nya pa sakin habang titig na titig sya sa mata ko..
oo sana..
kaya lang , may luna ka na pala.