Chapter 30 : OVER THINKING

1023 Words
Caleigh's p.o.v " gusto mo ba ko caleigh? " seryosong tanong nya pa sakin habang titig na titig sya sa mata ko.. napalunok nalang ako habang nakatitig sakanya at saka ako napaiwas nang tingin at pasimpleng napahawak nalang sa may dibdib ko.. " a-alam mo , umuwi nalang tayo kasi sobrang init nang panahon ngayon e.. " sabi ko pa sakanya habang hindi pa ko makatingin sa mga mata nya.. " tara na , nagugutom na din kasi ako e. " dagdag ko pa tapos ay napakamot nalang ako sa may ulo at nauna nang maglakad sakanya dahil mukhang gusto nyang malaman yung sagot ko sa huli nyang tinanong.. nang malapit na kami sa bahay ay tinabihan nalang nya ako sa paglalakad.. hindi na ko nakapagsalita pa dahil nailang na ako sakanya bigla.. habang papasok kami sa loob nang bahay ay saglit akong napatingin sakanya at nakita ko syang parang nangingiti ngiti pa habang tinitignan ako.. hindi ko nalang pinansin yon at nang tuluyan ko nang mabuksan yung pinto ay napanganga nalang ako nang makita ko yung lamesa na punong puno nang masasarap na pagkain tapos ay may chocolate cake pa yon sa gitna.. ipinagdikit ko nalang yung labi ko para mapigilan kong umiyak tapos ay lumingon ako sakanya na nakangiti nang matamis habang pinamamasdan ako... " hindi kasi ako nakapaghanda kahapon e , hehehe.. " nahihiya pa nyang sabi sakin.. tapos ay napakamot pa sya sa ulo nya habang nakatingin parin sya sa mata ko.. " belated happy birthday , yung gift ko nauna na kahapon pero etong handa mo.. " " pasensya na kung ngayon lang , napagod kasi ako kahapon e.. " parang dismayadong sabi pa nya sakin... napabuntong hininga naman ako tapos ay tumingala pa at natatawa pa nang mahina dahil pinipigilan ko yung luhang nagbabadyang bumagsak nanaman sa mata ko.. napatingin naman ulit ako sakanya na nakangiti paring tinitignan ako ngayon.. " are you happy? " tanong nya sakin... napangiti naman ako nang tipid tapos ay ibinagsak ko yung bag ko sa sahig at dahan dahang lumapit sakanya at saka sya niyakap.. " mula nung dumating ka.. " " walang araw na hindi na ko naging  masaya neo.. " sabi ko pa sakanya at saka ko ipinatong yung ulo ko sa balikat nya at niyakap sya nang mahigpit.. naramdaman ko naman yung kamay nya na nakahawak sa likod ko para yakapin ako pabalik tapos ay narinig ko pa syang mahinang natawa.. " good to hear that from you caleigh skye.. " " pero sana , kapag wala na ko... " " gusto ko manatili ka na sa ganyan , ha. " malambing pa nyang sabi sakin.. napalunok nalang ako nang sabihin nya sakin yon... unti unti namang lumuwag yung yakap ko pero hinigpitan nya yung yakap nya sakin at ipinatong din nya yung ulo nya sa balikat ko.. " promise me na kahit wala na ko ay hindi mo na aalisin yang mga ngiting ipinapakita mo sakin sa araw araw , caleigh skye.. " seryosong sabi nya sakin.. napakapit nalang ako sa laylayan nang damit nya at bumuntong hininga.. " i-i can't promise neo.. " nauutal ko pang sabi sakanya habang nakayakap parin kaming dalawa sa isa't isa.. " paano ako makakangiti kung wala na yung taong nagpapangiti sakin? " nalulungkot ko pang sabi sakanya tapos ay naramdaman kong lumuwag yung yakap nya at tuluyan na kaming napalayo sa isa't isa.. napatitig naman ako sa mata nya habang sya naman ay nakatingin sa buhok kong inaayos nanaman nya.. " kumain nalang tayo.. " " wag nalang muna nating pag usapan yung mga ganitong bagay ngayon.. " nakangiting sabi pa nya habang ibinaling na nya yung tingin nya sa mga mata ko tapos ay hinawakan pa nya yung pisngi ko habang ako ay nakatitig lang sa mga mata nya.. " magbihis ka na.. " " mag p-prepare na ko nang mga plato nating dalawa.. " nakangiting sabi pa nya sakin.. bumuntong hininga nalang ako at tumango tango sakanya tapos ay agad agad na akong pumunta sa kwarto para magbihis.. pagpasok ko sa loob nang kwarto ay nilock ko agad yon tapos ay napaupo nalang ako sa kama.. pano kapag wala na sya? kakayanin ko ba? kakayanin ko nanaman bang mag isa kung nasanay nanaman akong kasama sya? napahilamos nalang ako sa mukha ko at saka dumiretso sa cabinet ko tapos ay kumuha nang pamalit na damit.. nang makapagbihis na ako ay agad agad kong binuksan yung pintuan para lumabas na at puntahan sya sa lamesa.. pagbukas na pagbukas ko nang pinto ay nakita ko syang nakaupo na sa tapat nang lamesa habang nakatingin sa pintuan nang kwarto ko.. nang makita nya akong lumabas doon sa kwarto ay agad agad na sumilay yung ngiti sa labi nya.. kakayanin ko bang pagkalabas ko nang kwarto ko , ay wala nang neo na naghihintay sakin sa tapat nang lamesa tapos kapag nakita nya na akong palabas ay agad na sisilay yung ngiti sa labi nya? napayuko nalang ako habang papalapit sakanya at nang makaupo na ako sa tapat nya ay agad nyang sinalinan nang orange juice yung dalawang baso at inilagay nya yung isang baso sa gilid nang plato ko... napatitig naman ako sa basong 'yon at naisip nanaman na kung sakaling mawala na sya.. makakalimutan ko pa ba yung mga ganitong kilos nya na naging dahilan nang pagkahulog nang loob ko sakanya? napabuntong hininga nalang ako at saka sya tinitigan.. " kain na tayo? " " gusto mo ba to? " sabi nya sakin sabay turo doon sa buttered shirmp na nakahain sa lamesa.. napatitig nalang ako sakanya at dahan dahang tumango tapos ay kinuha nya agad yung buttered shrimp at agad nyang nilagyan yung plato ko... neo.. gusto kitang iwasan para hindi na lumalim pa tong nararamdaman ko sayo , para kapag dumating yung panahon na aalis ka na at iiwan mo na ako ditong mag isa.. ay makakalimutan kita agad. pero mukhang wala na kong magagawa pa kundi sulitin nalang ang bawat oras na kasama ka at gagawa pa tayo nang napakaraming magagandang alaala habang nadito ka pa.. alam kong pagdating nang panahon ay sasaktan ako nang mga masasayang alaalang to... kapag nawala ka na sa tabi ko .. w-wala nang magtatanong sakin kung anong gusto ko.. wala nang magtyatyagang paglutuan ako sa buong araw.. wala nang mag susundo sakin kapag uwian na.. wala na akong makakausap ulit kapag nalulungkot ako.. at higit sa lahat.. mawawala narin tong mga ngiti sa labi ko kapag nawala ka na neo.. ikaw yung dahilan nang pagngiti kong to sa ngayon.. pero ikaw din ang magiging dahilan nang pagluha ko pagdating nang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD