Chapter 24 : PADLOCK

1104 Words
Caleigh's p.o.v " n-nahihirapan na kong u-umalis. " parang hirap na hirap talaga nyang sabi sakin.. dahan dahan naman akong napatingin sakanya habang titig na titig parin sya sa mata ko.. napabuntong hininga naman ako tapos ay hinawakan ko yung kamay nya.. " s-san ka ba pupunta? " kunwaring hindi ko alam na tanong sakanya.. napaiwas naman sya nang tingin sakin tapos ay bahagya pang napayuko.. dahan dahan naman nyang inangat yung ulo nya tapos ay tinitigan nya ko sa mata.. " s-sa.. " " sa puso mo.. " pabiro pa nyang sabi sakin tapos ay dahan dahan nyang iniangat yung kamay nya at saka nya i finorm yun nang pa finger heart tapos ay unti unting sumilay yung ngiti sa labi nya.. napangiti nalang din ako at napailing iling tapos ay mahina kong tinabig yung kamay nya.  " bwisit ka talagang neopanget ka kahit kailan e. " natatawa tawang sabi ko pa sakanya tapos tumagal yung tawanan namin nang ilang minuto hanggang sa napatahimik kaming dalawa at napatitig sa isa't isa.. nginitian naman nya ako nang tipid at nginitian ko nalang din sya.. " happy birthday caleigh. " malambing nyang sabi sakin.. agad agad namang nag iba yung reaksyon nang mukha ko at napalunok habang naluluha luha na ko habang tinitignan sya.. napayuko naman ako nang konti at biglang bumagsak yung luha sa mata ko sa sobrang tuwa.. sa loob nang tatlong taon.. sa kauna unahang pagkakataon ay may bumati ulit sakin sa araw nang birthday ko.. tapos yung hindi pa tao. iniangat naman nya yung ulo ko tapos ay dahan dahan nyang ipinunas yung daliri nya sa luha ko at saka ako nginitian  " t-thank you neo.. " masaya pero naiiyak kong sabi sakanya.. bumuntong hininga naman sya tapos ay nginitian nya ako at may kinuha pa sya sa likod nya.. nang ilabas nya yon ay nakita kong may hawak hawak na syang box na maliit na kulay bughaw.. nang buksan nya yon ay may lamang singsing na may design na neowise sa gitna tapos ay manipis lang yung gold na nakakapit doon sa design na color silver at may maliit na diamond sa mismong comet.. " gift ko sayo.. " maiksing sambit pa nya sakin tapos ay hinawakan nya yung kamay ko at isinuot nya sakin yon.. habang isinusuot nya sakin yon ay nakangiti lang ako na nakatitig sakanya.. tama ba na ibigin ko parin sya kahit na sa dulo alam kong iiwan nya din akong mag isa? " neo.. " mahinang pagtawag ko sa pangalan nya... napaangat naman sya nang tingin sakin nang matapos nyang isuot sakin yung sing sing na binigay nya.. hindi sya nagsalita at nanatili lang yung mga tingin nya sakin.. " p-pwede b-bang w-wag ka nalang u-umalis? " " d-dito k-ka nalang s-sa tabi ko? " nauutal kong sabi sakanya.. nakita ko syang napalunok tapos ay lumapit sya sakin at mahigpit nya akong niyakap... " k-kung p-pwede master caleigh... " " kung pwede lang talaga. " sagot naman nya sakin at wala na kong ibang nagawa pa kundi yakapin nalang sya.. humiwalay naman sya nang konti sakin tapos ay hinalikan nya yung ibabaw nang buhok ko.. nang humiwalay sya nang tuluyan sakin ay tinitigan lang nya ako at hinawakan ko nalang yung camera ko tapos ay tinignan ko sya.. " picture nalang t-tayo.. " sabi ko nalang sakanya.. napatango tango naman sya tapos ay agad nyang hinawakan yung bewang ko para ilapit ako sakanya.. itinaas ko na yung camera tapos ay clinick ko na yung camera habang nakangiti kaming dalawa.. nagtagal pa kami nang ilang minuto doon at nag picture picture pa.. hindi ito yung tamang oras para mag drama.. dinala nya ako dito para pasayahin ako sa araw nang birthday ko.. ayokong maging malungkot kaya susulitin ko nalang yung bawat segundo , minuto , oras , linggo , at sana ay umabot pa nang buwan na nandito sya sa tabi ko.. nang matapos kami ay bigla nyang hinawakan yung kamay ko.. napatingin nalang ako doon saglit tapos ay inangat ko yung tingin ko sakanya... " gusto mong i try to? " nakangiting tanong nya sakin tapos ay binitiwan nya yung kamay ko at inilabas nya mula sa kamay nya yung padlock na hugis buwan tapos ay may star na nakadikit doon.. napangiti naman ako at napatingin doon sa mga padlock na nakalock na at yung iba ay patong patong pa.. sa pagkakaalam ko , para lang to sa mga taong nagmamahalan para hindi sila mag iwanan.. pero kakaiba naman yung padlock nya e..  kaya siguro pampatibay lang nang friendship to kahit na iiwan nya parin naman ako.. tumango tango nalang ako sakanya.. sabi nya ay kahit short message lang daw yung ilagay ko doon para sakanya tapos lagyan ko nang pangalan ko sa baba.. binigyan nya ako nang maliit na marker at nagsimula na akong magsulat doon sa hugis star na padlock.. nakakapagtaka lang ay yung star at buwan na magkadikit.. hindi ba dapat araw at buwan yung magkasama? kahit na punong puno ako nang pagtataka ay nagsulat nalang ako nang short message para sakanya.. Sana ay masilayan ko ulit yung ngiti mo neo. Maghihintay ako.  - Caleigh  napangiti nalang ako nang mapait nang basahin ko ulit yung sinulat ko doon sa padlock na may hugis na star tapos ay may kadikit na buwan yon sa may baba.. tinignan ko naman sya at nakitang nakatingin sya sakin nang seryoso.. ibinigay ko na sakanya yon at saka sya napangiti nang mabasa nya yung sinulat ko.. " kaya mo bang maghintay nang 6,800 years caleigh skye? " malokong tanong nya pa sakin habang nakangiti sya.. napatawa nalang ako nang mahina tapos ay bigla ko syang tinignan nang may tipid na ngiti nalang sa labi.. " ipangako mo sakin na ikaw yung susundo sakin kapag tumanda na ko at namatay neo.. " sabi ko pa sakanya.. bigla namang nawala yung ngiti nya sa mga labi tapos ay bahagyang napayuko pa.. " s-susubukan ko pero ayokong mangako caleigh ko.. " seryoso din nyang sabi sakin tapos ay binuksan na nya yung marker at nagsulat na din sya nang message nya.. natapos sya agad tapos ay ibinigay nya sakin yon para makita ko.. ngumiti pa ko sakanya nang maabot ko na yon at saka ko binasa yung sinulat nya.. Hihintayin ko ang pagbabalik mo luna ko.. Mamahalin parin kita kahit na si sol parin yung piliin mo. - neo  napatingin naman ako sakanya dahil hindi ko maintindihan kung anong sinulat nya.. sino si luna? akala ko pa naman yung message nya para sakin din.. kahit na medyo nasaktan ako sa nabasa ko ay nginitian ko nalang sya tapos ay naghanap kami nang magandang pwesto nang pag l-lock-an non.. nang ma lock na namin yon ay agad agad nyang itinapon yung susi sa may tubig sa baba lang nito tapos ay hinarap nya ako at saka nginitian.. " ubos na yung oras natin master caleigh.. " " balik na tayo. " aya pa nya sakin tapos ay inilahad nya na yung kamay nya sa harapan ko.. kahit na iniisip ko parin kung sino si luna , ay nginitian ko nalang sya at hinawakan yung kamay nya.. ang daya lang talaga.. kasi ako maghihintay sakanya.. tapos sya , iniintay nya si luna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD