Chapter 23 : WELCOME

1082 Words
Caleigh's p.o.v napakamot nalang sya sa ulo at nahihilaw hilaw pa syang tumawa habang nakatingin sakin.. " i-ibig kong s-sabihin , m-master caleigh pala.. " " hehe , sorry.. " " nadala lang nang emosyon. " sabi pa nya sakin tapos ay umiwas sya nang tingin at bumuntong hininga pa .. napangiti naman ako habang pinagmamasdan sya na nahihiya.. hindi ko inexpect na may emosyon din pala yung mga comet.. ilang saglit pa ay humarap na ulit sya sakin at sakto namang napasingkit bigla yung mata ko nang biglang mag clear yung mga ulap at lumabas yung araw.. dali dali namang hinarang ni neo yung kamay nya sa may bandang mata ko na nasisinagan nang araw.. dahil doon ay nakadilat ako nang maayos at nakita ko sya na nakangiti nanaman habang tinititigan ako.. " tara na neopanget. " pabiro kong pagkakasabi sakanya.. bigla namang nawala yung ngiti nya sa labi nang marinig nanaman nya mula sakin yung neopanget.. " pangit ba? " " papalitan ko nalang.. " seryoso nyang sambit sakin.. napatawa naman ako nang mahina sa naging reaksyon nang mukha nya .. pinisil ko nang mahina yung pisngi nya at pinanggigilan ko pa yon nang konti.. " syempre hindi... " " ang pogi pogi nang neopanget ko na yan e. " maloko ko pang sabi sakanya tapos ay ibinaba ko na yung dalawa kong kamay na kinurot ko sa pisingi nya.. unti unti naman nyang naibalik yung ngiti sa labi nya tapos ay niyaya na nya ako ulit.. sasabihin ko na sana yung salitang gusto ko/kong  nang bigla nya akong pigilan.. " teka teka.. " pagpipigil pa nya sakin kaya agad naman akong napatahimik nalang muna.. may kinuha sya mula sa likod nya tapos ay nang ilabas nya yon ay nakangiti nyang isinuot sakin yung shades na hindi basta basta.. tapos ay inilagay pa nya sa gilid nang tenga ko yung humarang na buhok sa mukha ko nang biglang humangin.. " alam mo , mas bagay sayo yung  maiksing buhok. " parang problemado pa nyang pagkakasabi sakin habang isinusukbit parin nya hanggang ngayon yung buhok ko sa gilid nang tenga ko.. " bakit naman? " tanong ko pa sakanya habang titig na titig ako sa mata nya tapos sya naman ay naka focus sa pag aayos nang buhok ko.. " kasi kapag mahaba yung buhok mo , hindi masyadong nakikita yung napakaganda mong mukha master caleigh. " seryoso pa nyang pagkakasabi sakin at saka nya ibinaba yung kamay nya nang maayos na nya yung buhok ko.. tinignan naman nya ako agad nang nakakaloko at saka nya sinundot sundot yung tagiliran ko kaya naman napaiwas ako doon sa daliri nya at tumawa nalang... " wushu.. " " bolang bola naman yung master caleigh na yan e.. " pabiro pa nyang sabi sakin habang hindi parin sya  tumitigil sa pagpindot sa tagiliran ko.. " h-hahaha.. " " t-tama na , h-hindi na ko m-makahinga. " hingal na hingal kong sabi sakanya habang natatawa parin.. agad agad naman syang napatigil tapos ay bumuntong hininga nalang muna ako at saka ko sya tinignan na unti unting nagiging seryoso yung reaksyon nang itsura habang nakatingin sakin.. " pero alam mo.. " " ako talaga yung mas bagay sayo. " seryoso pa nyang pagkakasabi sakin.. pinigil ko naman yung pagngiti nang labi ko sa sinabi nya at saka tinitigan lang sya nang diretso nang walang ilang dahil nakasuot naman ako nang shades.. bigla syang napaiwas nang tingin sakin at skaa may kinuha ulit sya sa likuran nya tapos ay agad agad nyang isinuot yung shades na kapareho na kapareho nang binigay nya sakin.. ngumiti naman sya sakin habang parehas na kaming nakasuot nang shades.. " game na. " maiksing sabi pa nya sakin ... nginitian ko nalang din sya at bumuntong hininga bago magsalita.. " gusto kong pumunta nang south korea. " sabi ko pa habang nakatingin sakanya.. dahan dahan naman nyang inilahad yung kamay nya sa harapan ko at nagsalita sya.. " master caleigh.. " paninimula pa nya.. " take my hand , because your wish is  my command " dagdag pa nyang sabi sakin.. dahan dahan ko namang hinawakan yung kamay nya at nang hawakan nya yon nang mahigpit ay napapikit nalang ako habang hawak hawak yung kamay nya.. ilang saglit pa ay nagulat ako nang bigla nyang hilahin yung kamay ko papalapit sakanya tapos ay binitiwan nya yon at sinalo nya yung likod ko habang sobrang lapit nang mukha ko sa mukha nya.. * dug dug dug dug * * dug dug dug dug * * dug dug dug dug * nginitian pa nya ako habang isang dangkal nalang yung layo nang mukha nya sa mukha ko.. napalunok naman ako habang tinitignan syang bumaba yung tingin sa mga labi ko pero agad din naman nyang inangat yon sa mata ko.. " welcome to south korea master caleigh. " nakangiti nyang sabi sakin tapos ay inalis nya yung pagkakahawak nya sa likuran ko at iginala na nya yung mata nya sa buong lugar.. kahit na sobrang shookt parin ako sa ginawa nya ay iginala ko nalang din yung mata ko at nakitang yung mga nakahilerang street foods sa daanan tapos puro koreano't koreana na yung nakikita kong nakapaligid samin.. nang tumingala pa ako ay madilim na yung kalangitan dito tapos ay napatingin ako sa suot suot ko na meron na pala akong makapal na coat kaya hindi ako masyadong nilalamig.. nakita ko naman si neo na nakasuot narin nang makapal na coat habang yung shades nya ay nataas na sa ulo nya at tinitigan nya ko habang nakangiti parin sya.. hinawakan naman nya yung kamay ko tapos ay sinundan ko lang sya kung saan sya pupunta.. " anong gusto mo? " tanong pa nya sakin habang patuloy kami sa paglalakad.. itinuro ko naman yung ice cream store na nakita ko at agad agad kaming bumili nang ice cream.. may pambayad naman sya kaya hindi na ko namroblema pa .. marunong din syang mag korean kasi sya yung nakikipag communicate habang bumibili e.. may binili pa syang ibang street food na makikita sa paligid tapos ay dinala nya ako sa kung saan na may makikita kang napakaraming pad lock na nakalock sa may grills tapos ay overlooking pa yung view.. habang kumakain ay nakatingin lang ako nang diretso at tinignan  yung maliit na mga ilaw nang buildings , bahay , poste at iba pa... nang matapos kaming kumain ay biglang nawala yung mga tao at kaming dalawa nalang yung nandito ngayon... " caleigh.. " mahinang pagtawag nya pa sakin.. agad agad naman akong napatingin sakanya habang sya ay seryoso lang na nakatingin sakin.. " bakit? " mahinang tanong naman sakanya tapos ay iginala yung paningin ko sa paligid pero wala na talaga akong makitang kahit isang tao doon.. nasan na yung mga yon?  biglang nawala ah? " n-nahihirapan na kong u-umalis. " parang hirap na hirap talaga nyang sabi sakin.. dahan dahan naman akong napatingin sakanya habang titig na titig parin sya sa mata ko.. edi dito ka nalang sa tabi ko.. tutal ayoko na din namang umalis ka e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD