Chapter 22 : BABY

1033 Words
Caleigh's p.o.v nang matapos naming kumain nang agahan ay nagpahinga kami saglit tapos ay naunang maligo si neo sakin at sumunod naman ako sakanya agad.. nang matapos akong maligo ay hinugasan ko na yung mga pinggan tapos ay nagpunas ako pagkatapos.. agad agad naman akong tumungo sa pintuan palabas pero pagbukas ko nang pinto ay napangiti nalang ako at napasandal doon.. nakita ko si neo sa di kalayuan habang nakatalikod sa pintuang kinatatayuan ko.. nakataas yung dalawang kamay nya sa langit na parang may sinasalo at tumagal yon nang ilang minuto.. ilang saglit pa ay dahan dahan naman nyang tiniklop yung tuhod nya at unti unti syang lumuhod sa lupa tapos ay dahan dahan din nyang ibinaba yung dalawang hintuturo nya at saka idinikit pa nya yon sa lupa.. natawa naman ako nang mahina at napailing iling pa tapos ay nag cross arms ako nang maisipan ko na syang lapitan.. saktong paglapit ko naman sakanya ay tumayo na sya agad tapos ay lumingon sya at napaatras nang konti dahil parang nagulat sya sakin... natawa naman ako habang tinitignan syang napahawak pa sa dibdib nya habang nakangiting nakatingin sakin.. " anong ginagawa mo? " tanong ko sakanya.. ibinaba naman nya yung kamay nya at saka nya ako nginitian.. " malalaman mo pagkalipas nang 65 to 85 days. " sagot nya sakin tapos ay nilapitan nya pa ako at saka ako inakbayan tapos ay napatingin kaming dalawa sa kawalan.. " bakit , ano bang iintayin ko? " nakakunot na noong tanong ko pa sakanya habang nakatingin parin nang diretso.. naramdaman ko naman na tinignan nya ako saglit pero ibinalik din nya yung tingin nya nang diretso.. " basta. " maiksi nyang sagot sakin.. napatingin naman ako sakanya habang nakakunot yung noo ko at tinignan din nya ako habang nakangiti sya at itinataas taas pa nya yung dalawang kilay nya sakin.. " matutuwa ka. " dagdag pa nyang sabi sakin habang hindi parin mawala wala yung ngiti sa labi nya.. napangiti nalang din ako at napaiwas nang tingin sakanya.. mula nung dumating si neo sa buhay ko.. walang araw na hindi sumisilay yung ngiti sa labi ko.. ewan ko.. para syang gamot na para sa mga taong katulad ko na madalas kinakain nang lungkot.. napalunok naman ako nang may maalala ako bigla.. mag iintay pa ko nang 65 to 85 days para malaman ko yung tinutukoy nya pero ... napatingin ako sakanya habang sya ay nakatingin parin nang diretso.. " nandito ka pa kaya non neo? " biglang seryoso kong tanong sakanya.. bigla naman syang napalunok at napatingin sakin saglit pero iniwas din nga agad yon at ibinalik yung tingin nya nang diretso lang.. " saang bansa mo gustong pumunta master caleigh? " nakangiting tanong nya sakin habang hindi nya ako tinatapunan nang tingin..  tinitigan ko muna sya sa mata nang mga ilang segundo pa tapos ay iniwas ko nalang din yung tingin na yon at hindi na tumingin pa ulit sakanya tapos ay tumingin ako nang diretso at napangiti nalang ako nang mapait.. obvious naman na ayaw nyang pag usapan , kaya bakit ko pipilitin diba? " ayokong sayangin yung wish ko neopanget. " maiksing sagot ko nalang sakanya habang nakatingin parin ako nang diretso.. " sinabi ko bang gagamitin mo yung  wish mo , ha? " at dahil idol ko si chloe at celestine sa karupukan ay muli akong napatingin sakanya pero nakakunot naman yung noo ko.. " a-anong ibig mong sabihin? " nagtataka ko pang tanong sakanya.. napangiti naman sya ulit habang tinititigan ako tapos ay iniwas nya ulit yung tingin nya sakin.. " basta hindi mababawasan yung remaining wish mo. " " treat ko to sayo. " sabi pa nya sakin habang nakatingin sya nang diretso... napalunok naman ako at tumingin nalang ulit sa tinitignan nya.. " h-hindi ba nakakahiya naman na  yon sobra neo? " nahihiyang tanong ko pa sakanya habang hindi ko parin sya binabalingan nang tingin.. narinig ko naman syang mahinang tumawa tapos ay inalis nya yung pagkakaakbay nya sakin at pumunta sa harapan ko.. agad agad namang nagtama yung tingin naming dalawa nang hinarap nya ako.. habang tinitignan ko sya ay nakangiti nanaman sya sakin habang titig na titig sa mata ko tapos ay mahina pa nyang pinisil yung pisngi ko.. " bakit ba ang bait bait nang master caleigh ko? " malambing pa nyang pagkakasabi habang pinipisil nya yon.. nang ibaba naman nya yung kamay nya ay napangiti nalang din ako at umiling iling.. " dali na master caleigh.. " " sabihin mo na kung saan mo gustong pumuntang bansa ngayon. " pag uulit pa nya sa sinabi nya sakin kanina.. napatitig naman ako sa mata nya na palagi lang din nakatitig sa mga mata ko.. kahit saang lugar naman.. basta yung alam kong nasa tabi kita at kasama ka. " south korea.. " maiksi at nakangiting sagot ko nalang sakanya.. tumango tango naman sya habang nakatingin sakin at parang hindi nangangawit yung labi nya kakangiti.. dahan dahan naman nyang inilahad yung kamay nya sa harapan ko at nataranta naman ako nang makita ko yon.. " t-teka lang.. " " magbihis naman muna tayo nang maganda.. " sabi ko sakanya... " wait lang , saglit lang to promise. " natatarantang sabi ko sakanya tapos ay agad agad akong tumakbo pabalik nang bahay.. pagkapasok ko sa kwarto ay agad agad akong pumili nang damit ko.. sa sobrang pagmamadali ay kinuha ko nalang yung sleeveless na black na dress na hapit na hapit sa katawan tapos ay nagsuot ako nang denim jacket tas nag rubber shoes nalang ako nang puti.. nag powder pa ako nang konti tapos suklay , at nag apply ako nang konti lip balm.. hindi naman ako ganon kaputla kaya ayos na tong ganito lang ako.. nang matapos kong maayos yung sarili ko ay binuksan ko yung drawer ko at dali daling kinuha yung camera doon tapos ay tumakbo nang mabilis palabas nang kwarto.. pero pagdating sa pintuan palabas nang bahay ay bigla akong napatigil sa pagtakbo nang makita ko doon si neo na nakatayo pero iba na yung suot suot nyang damit.. naka black loose polo sya tapos yung shorts nya ay above the knee na kulay light brown... naka tuck-in pa yung kanang tela nang polo nya doon sa shorts nya at naka suot din sya nang white rubber shoes.. napangiti nalang ako at naglakad nalang papunta sakanya.. nang tuluyan na kong makalapit ay ngumiti sya nang malaki habang tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.. " ang ganda naman nang baby caleigh ko. " manghang pagkasabi pa nya sakin.. b-baby caleigh?  napakunot naman yung noo ko bigla tapos ay bigla din nag iba yung reaksyon nang itsura nya nang marealize nya kung anong tinawag nya sakin.. baby neo naman..  masyadong kabado e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD