Caleigh's p.o.v
nanatili nalang ako doon sa upuan at pinanood ko nalang sya..
kakaibang nilalang sya na kakaiba din yung paraan nang pagsasampay..
grabe..
bakit ba kasi sa dinami rami nang taong pwede nyang ma meet..
ako pa talaga yung nakilala nya..
" pst. "
napailing iling ako at napaiwas nang tingin nang sitsitan nya ako..
dahan dahan ko ring ibinalik yung tingin ko sakanya at napagtanto kong tapos na pala sya magsampay..
" tara na sa loob.. "
" gamutin ko yang sugat mo. "
kaswal na pagkakasabi nya sakin tapos ay nilapitan nya ko at inoffer pa nya yung kamay nya para makatayo ako..
hindi na nya inintay na hawakan ko yung kamay nya..
agad nyang hinawakan yung kamay ko at saka ako itinayo tapos ay hinila na nya ako pabalik sa bahay..
habang naglalakad sya at nauuna sakin habang nakahawak yung kamay ko sa kamay nya ay napatingin nalang ako sakanya at hindi na nagfocus sa dinadaanan ko..
isang araw ka palang nandito , pero bakit napangiti mo na ako agad?
never talaga akong ngumingiti kahit may magpatawa pa sa harapan ko..
well , sila mom yung dahilan nang pangiti ko noon..
pero mula nung nawala sila..
hindi na ulit sumilay yung ngiti sa mga labi ko..
ngayon na lang ulit.
nang makapasok kami sa loob nang bahay ay inupo nya ako sa upuan tapos ay kinuha nya yung bangkito sa labas at doon sya umupo habang nakaharap sya sakin..
tinignan ko lang yung ginagawa nya habang sya ay dahan dahang hinawakan yung kamay ko at dahan dahan ring umangat yung tingin nya sakin..
" pano mo gagamutin yan? "
" wala ka namang oi-... "
hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang patahimikin nya ako agad sa pamamagitan nang paglagay nya nang isang daliri nya sa may labi ko..
agad ko naman itinikom yon at nanlaki yung mata habang tinitignan sya..
" ang ingay mo masyado master caleigh. "
" nakakabingi yung boses mo. "
parang irita pa nyang sabi sakin..
ilang sandali pa ay inalis nya din yon at tinitigan yung kamay ko na sugat sugat..
ilang minuto rin nyang tinitigan yung mata ko tapos ay dahan dahan na nyang hinipan yon at nakaramdam ako nang konti hapdi habang ginagawa nya yon..
pagtapos nyang hipan yung kamay ko ay itinakip nya yung kamay nya doon at saka pumikit..
nang alisin nya yung kamay nya ay napalunok nalang ako nang makita kong wala na yung mga nagtutubig tubig na sugat doon..
napatingin naman ako sakanya at napangiti lang sya sakin..
tumayo ako at dali daling pumunta sa lababo at hinugasan ko pa yung kamay ko...
nang dumapo yung tubig sa mga daliri ko ay wala akong naramdamang kahit anong hapdi doon..
natulala muna ako at napagdesisyonan kong patayin nalang yung gripo tapos ay dahan dahan akong napalingon sakanya..
" p-paano? "
nagtatakang tanong ko sakanya habang nakataas yung isa kong kamay..
tumayo naman sya at napailing iling pa tapos ay dali daling lumapit sakin at inakbayan nya ako..
" mahirap mag explain caleigh skye.. "
" labas tayo.. "
" gusto kong makalangahap nang sariwang hangin. "
sabi nya pa sakin tapos ay agad agad nya akong iginaya palabas habang nakaakbay sya sakin..
napahawak ako sa may braso nya dahil medyo hindi ako makahinga..
napatigil sya sa paglalakad nang kinalas ko yung pagkakaakbay nya sakin..
" teka.. "
" magliligo muna ako. "
" tapos sumunod ka na sakin kasi basa na rin yang damit mo. "
sabi ko pa sakanya at saka dali dali akong bumalik nang bahay para maligo muna bago kami gumala..
" sabay nalang tayo para mas mabilis. "
napalingon naman ako sakanya at nakitang parang seryoso talaga sya sa sinabi nya..
tumingkayad ako at saka sya pinitik sa noo..
" ang bastos mo neowise. "
" maghintay ka dyan , maligo ka pagkatapos ko. "
sabi ko sakanya tapos ay agad akong pumasok sa cr at nilock ko yon..
parang tungaw na comet yun.
napatingin naman ako sa may baba ko at
sinuot ko muna yung slippers na nadoon sa loob nang cr...
napairap nalang ako sa kawalan at napabuntong hinga tapos ay naghubad na ko nang damit ko at nagsimula nang maligo..
inabot ako nang thirty minutes sa paliligo at pagkatapos ko ay nagtapis lang ako nang tuwalya..
pagkahawak ko sa doorknob nang pintuan nang cr ay napatingin ako sa suot ko..
kinapitan ko nang mahigpit yung gitna nang tuwalya nang maalala kong may kasama nga pala ako ngayon dito sa bahay...
dahan dahan kong inkot yung doorknob tapos ay dahan dahan ko rin yon binuksan..
binuksan ko muna yon nang maliit lang at saka sumilip doon sa maliit na siwang...
nanlaki naman yung mata ko nang magtama yung mata naming dalawa habang sya ay nakaupo sa may lamesa at nag iintay lang..
" anong tinatago tago mo dyan? "
" pakidalian mo namang lumabas. "
kaswal nyang pagkakasabi sakin tapos ay tumayo sya at naglakad papunta dito sa cr..
agad agad naman akong napaayos nang tayo tapos ay binuksan ko nang malaki yung cr at liliko na sana nang mabilis dahil tuwalya lang yunf nakatakip sa katawan ko nang harangin nya ko nang kanang kamay nya at sakto naman nong nasalo yung bewan ko..
* dug dug dug dug *
* dug dug dug dug *
* dug dug dug dug *
napalunok nalang ako at dahan dahan kong inangat yung ulo ko sakanya..
tinitigan naman nya ako habang nakakapit parin yung kanang kamay nya sa bewang ko na parang magkayakap kaming dalawa..
" papasok ka nang kwarto suot yang basa mong tsinelas? "
nakataas na kilay na tanong pa nya sakin..
napaiwas naman ako nang tingin sakanya at saka kumalas sa pagkakayakap nya sa bewang ko..
ay pagkakakapit pala..
agad agad ko namang hinubad yung tsinelas na suot ko at kinapitan yung towel ko kasi baka biglang malaglag..
" o-okay na ? "
" s-sige na m-maligo ka na d-dyan. "
mataray pero nauutal kong pagkakasabi sakanya..
inirapan ko pa sya at tatalikod na sana nang bigla nyang harangin ulit yung kamay nya at kinapit nanaman nya yon sa bewang ko..
napalingon naman ako sakanya at napakunot yung noo ko..
kakalas na ulit sana ako sa pagkakakapit nya nang tumaas yung balahibo ko ng bigla nyang dahan dahan na iginilid yung buhok ko sa kaliwang balikat ko at tiningnan nya pa yung leeg ko..
napalunok nalang ako habang tinititigan syang nakatingin sa gilid nang leeg ko..
unti unti naman nyang iniangat yung paningin nya sakin at...
to be continued...