Caleigh's p.o.v
napatitig nalang ako sakanya habang nakangiti parin sya nang tipid sakin..
" wag kang malulungkot kapag nawala na ko ha. "
kaswal na sabi pa nya sakin..
napaiwas naman ako nang tingin at tumungo nalang sa lababo at naghugas nang kamay..
" psh , a-ako malulungkot? "
" hinding hindi ako iiyak kapag nawala ka neopanget. "
" chicken lang sakin yan. "
sagot ko nalang sakanya at napatigil ako sa paghugas nang kamay tapos ay napalunok nalang ako..
" sabi mo yan ha. "
" panindigan mo dapat. "
sabi naman nya tapos ay tinabihan pa nya ako habang naghuhugas ako nang kamay..
sinara ko nalang yung gripo tapos ay lumabas ako at sinimulang ayusin yung mga planggana..
" abutin mo nga yung mga damit sa loob , tapos yung hose iabot mo din sakin. "
utos ko pa sakanya..
sumunod naman sya sakin at nang tumalikod sya ay hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nakaramdam nang lungkot..
napaiwas nalang ako nang tingin nang mapansin kong palabas na sya nang bahay dala dala yung mga pinakukuha ko sakanya..
kinuha ko yung bangkito at saka ako umupo sa tapat nang planggana..
kinonect na din nya yung hose sa gripo at unti unti namang dumaloy yung tubig mula doon..
binasa ko muna yung damit na susuotin nya tapos ay kumuha rin sya nang bangkito at umupo sa tapat ko..
" pano ba gagawin? "
tanong nya sakin..
napatingin naman ako sakanya nakatulala sa mga damit na nababasa nang tubig..
" tititigan mo. "
pabalang kong sagot sakanya tapos ay inangat nya yung tingin nya sakin at saka naman ako umirap..
" buti sana kung ikaw yung tititigan ko e. "
" hinding hindi ako magsasawa kahit ubusin ko lang yung oras ko dito sa pagtitig sayo. "
sagot naman nya sakin..
napatingin naman ako sakanya ulit at napakurap nang dalawang beses..
nakita ko syang parang gandang ganda sakin habang tinititigan nya ako..
hindi , joke lang..
pero parang , oo din..
at dahil nailang na ko sakanya ay mabilis kong isinalok yung tubig sa kamay ko at binasa yung mukha nya..
para naman syang nalunod kaya napangiti ako habang tinitignan syang napapikit pa..
" master caleigh.. "
" dapat sinabi mo nalang sakin na gusto mo kong kasabay maligo.. "
maloko nyang pagkakasabi sakin..
napataas naman yung dalawa kong kilay at nangingiti ngiti pa habang tinitignan syang parang basang sisiw na pogi.
" alam mo neopanget. "
" ang kapal din pala nang mukha mo no. "
pabalang kong sagot sakanya..
napangiti naman sya sakin tapos ay nagulat nalang ako nang basain nya rin ako nang tubig na nasa planggana ..
" h-hoy , amoy luma y-yung tubig. "
sabi ko pa sakanya nang tumama yung tubig sa mukha ko at nalasahan ko pa yung tubig na yon..
tinitigan ko naman sya nang masama habang sya ay tinatawanan ako habang nakahawak pa sa tyan nya..
" o-okay lang.. "
" m-mukha ka namang luma e.. "
" ahahahahahahaha "
natatawa tawa pa nyang sabi sakin..
napairap nalang ako at inumpisahan ko nalang yung paglalaba..
baka kasi wala akong matapos nito sa kaharutan nang nilalang na to e..
dahil wala akong washing machine ay mano mano yung ginawa kong paglalaba..
nagpaturo narin sya sakin kung paano sasabunin yung mga damit..
madali syang matuto kaya naman mas napabilis naming dalawa yung trabaho..
pero dahil first time nyang maglaba...
mabagal pa syang magkusot nang mga damit kaya parang karamihan sa mga damit na to..
ay ako rin yung nagsabon..
nangangati narin yung kamay ko habang nabababad nang matagal yon sa sabong panlaba..
binilisan ko nalang yung pagkukusot at nang magbanlaw na kami ay doon na nagsugat yung kamay ko..
masakit sya kapag nababasa nang tubig pero tiniis ko nalang..
malayo naman sa bituka to e.
dahan dahan akong tumayo at napahawak sa balakang ko dahil medyo sumakit yon nang konti..
" anong masakit sayo? "
napatingin naman ako kay neo na parang nag aalalang nakatingin sakin habang nakahawak ako sa balakang ko..
napaayos naman ako nang tayo at ibinaba ko nang maayos yung kamay ko tapos tinignan sya na parang normal lang..
" w-wala.. "
" pakibuhat nalang yan tapos pakidala sa may likod.. "
" isasampay ko na , kukuha lang ako nang hanger sa loob. "
utos ko sakanya at agad agad na tumalikod tapos ay pinilit kong maglakad nang normal habang pabalik sa bahay..
oo bata pa ko..
pero yung mga buto ko , parang mas matanda pa sakin..
pagkapasok ko sa loob nang bahay ay agad kong kinuha yung mga hanger at lumabas..
hindi ko na nakita yung mga nilabhan doon tapos ay nakaayos na din yung pinaglabahan namin..
ang bilis nyang kumilos..
mukha ngang hindi talaga sya tao..
hindi pa nga ako inabot nang tatlong minuto sa pagkuha nang hanger , tapos sya naayos na nya lahat agad..
napangiti nalang ako habang bitbit yung hanger at tumungo sa likuran..
nakita ko sya doon na nakatayo habang nakatingin sa improvised sampayan ko..
" excuse me oh.. "
" magsasampay na ko. "
mataray kong sambit sakanya..
napatingin naman sya sakin pero inirapan ko lang sya..
nilapag ko yung hanger doon sa monoblock na nasa gilid..
kukuha na sana ako nang isang damit nang bigla nyang alisin yung hanger sa monoblock tapos ay pinatayo nya ako at agad agad na inupo doon sa upuan..
napatingin nalang ako sakanya habang nakahawak sya sa dalawang balikat ko at malapit yung mukha namin sa isa't isa..
tinitigan naman nya ako sa mata tapos ay tumayo sya nang maayos sa harapan ko..
" tao yung umuupo dyan , hindi hanger. "
" ang hina talaga nang utak mo master caleigh. "
nakakunot na noong pagkakasabi nya sakin..
napaturo nalang ako doon sa mga isasampay na damit nang bigla nyang hawakan yung kamay kong yon tapos ay lumuhod pa sya sa harapan ko habang nakaupo ako..
" tignan mo nga tong kamay mo.. "
" ang hapdi nyan kapag nababasa nang tubig. "
sabi nya sakin habang titig na titig sya sa mata ko..
" alam ko. "
maiksing sagot ko sakanya tapos ay binitiwan nya yung kamay kong yon at pinitik nanaman nya ako sa noo tapos ay dali dali syang tumayo..
" alam mo palang masasaktan ka , itutuloy
mo pa. "
sabi nya pa sakin tapos ay kinuha nya yung mga hanger at isa isang isinampay yon sa sampayan..
" ako na magsasampay nito.. "
" umupo ka nalang dyan o kaya bumalik ka sa loob nang bahay para makapag pahinga ka. "
seryosong sambit pa nya at wala na kong nagawa kundi panoorin nalang sya...
napahawak naman ako sa pendant ko habang tinititigan ko sya..
mukha ngang mapapadali nya yung buhay ko..
pero hanggang kailan?