"Good morning, Elsa!" masigla kong bati nang mabungaran ko ang dalaga na naghahanda na sa pagpasok sa university. Magaan ang pakiramdam ko ngayong araw. Isang linggo na rin ang lumipas mula nang mangyari ang gulo sa hospital. At sa loob ng isang linggong iyon ay nakapagpahinga na rin ako ng maayos. Pansamantala na muna akong hindi pinapasok ni Marcuz sa trabaho. At ayon dito ay upang makapagpahinga na muna ako. Labis naman akong nakadama ng tuwa at kilig sa aking dibdib. Sa puntong iyon ay ramdam kong may pag-aalala rin ito sa akin. Hindi man malinaw kung ano ba talaga ang nararamdaman nito para sa akin, ngunit sapat na ang pagpapahalagang ibinibigay nito upang makadama ako ng labis na kaligayahan sa aking puso. "Good morning po, Maam Miracle. Papasok na po muna ako. Magpapaalam na rin

