PROLOGUE
“Lets get married.”
Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at tinignan sya ng masama. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi pwedeng mag-desisyon na lang siya ng biglaan.
“W-Wait! What? Sir, nahihibang ba kayo? Alam niyong hindi—”
“First things first. Tumigil ka sa pag-aaral.” Humarap siya sa akin at seryoso akong tinitigan sa mata.
Marami pa siyang sinabi pero wala na akong ibang naririnig kundi ang paulit-ulit na dumadaan sa utak ko na kailangan kong tumigil sa pag-aaral.
Ramdam ko ang paghapdi ng mata ko, pinipigilan kong hindi maiyak sa gusto niyang mangyari.
Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko hanggang sa pinupunasan niya na ang mga luha ko sabay yakap sa akin.
“Trust me, everything will be fine. This would work,” bulong niya at mas hinigpitan ang yakap sa akin.
Mabilis naman akong lumayo sa kanya.
“H-Hindi. Hindi ’to tama. Madali lang sa'yo sabihin 'yan kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko,” panimula ko habang humihikbi. “Baka nakakalimutan mo, ginawa ko ang mga bagay na'to dahil gusto ko pumasa tapos nga'yon ipapatigil mo ako sa pag-aaral ko? Para ano? Maging sunod-sunuran sa'yo? Para pagsilbihan ka? Tapos ano ang mangyayari sa akin? Ano ang kapalit–”
Napatigil ako ng hawakan niya ako ng mahigpit sa braso.
“So, what do you want to do? You want to decide for yourself? Again? Then go! Basta siguraduhin mo lang na hindi mo ipapalaglag ang anak ko!”