CHAPTER 44 JACK's POV: "Ano bang ginagawa mo rito? Bakit ka ba pumunta pa dito ha?" inis na sambit ni Rose nang dumiretso ako sa opisina niya. Matapos kong magbihis ay dito na kaagad ang tungo ko. Wala akong inaksayang oras dahil natatakot ako sa pwedeng gawin ni Ms. Santilla. Mukhang totohanin niya yata ang paglalapit niya kay Zeny. Yung biro ko sa kanya, masyado niyang siniseryoso. Kailan kaya siya magseseryoso na ako na yung iniisip niya? "Tinatanong kita, Jack... Anong ginagawa mo rito? At talagang ganyan pa ang postura mo. Hindi mo man lang sinuotan ng presentable ang katawan ko. Ginawa mo akong Manang," mahina pero madiin na sambit nito sa akin. Kapag nagkikita talaga kami, hindi natatapos ang araw namin na walang bangayan. Nakasanayan na yata ni Ms. Santilla, na awayin ako.

