CHAPTER 45 Rose POV: Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ko alam kung bakit napadpad kami ni Jack sa hotel kung saan masyadong pamilyar ito sa paningin ko. Parang nakapunta na ako rito. Hindi ako pwedeng magkamali ng aking hinala dahil alam kong napuntahan ko na ito. Napapalunok ako ng laway dahil saktong napahinto kami sa room number 6 kung saan ay pinasok ako roon ni Jack. Kinakabahan ako sa kanyang gagawin. Masyado ko yata siyang napikon kanina sa Kompanya kung kaya't bigla niya akong hinila papunta dito sa hotel. Si Zeny kasi, masyadong matabil ang dila kaya yung usapan namin kanina na matutuloy ang naudlot nilang plano ni Jack ay gagawin namin muli ay siyang sinabi niya roon sa pag-aakalang si Ms. Santilla ang kaharap niya kanina. Kaya ayon, tumaas yata ang dugo ni Jack da

