CHAPTER 57 ROSE POV: Parang nagsisi yata ako sa sinabi ko. Naging padalos-dalos na naman yata ang dila ko. Kung ano-ano ang siyang lumalabas sa bunganga ko at nawalan pa ito ng preno. Si Jack, napatingin lang sa gawi ko at sinisenyasan ako na tumigil na. Kaya ang ginawa ko ay hinigit ko ang kanyang kamay para palayuin kay Alfred. At ako na mismo ang kusang humarap sa lalaki. Natatakot ako dahil pamatay tao na ang titig niya sa akin ngayon. Pero hindi ako pwedeng magpasindak sa kanya dahil lalo lamang siyang magdududa. Kailangan ko yatang pangatawanan ang aking sinabi kanina. Kapag binawi ko ito ay para ko na ring sinira ang dignidad ni Jack. "Umalis ka na sa pamamahay ko habang nakakatimpi pa ako Alfred... Dahil kapag hindi ko nakontrol ang galit ko sa'yo ay baka sa hospital ang bags

