CHAPTER 56 ALRED's POV: "NASAAN SI JACK? KAILANGAN KO SIYANG MAKAUSAP. Kanina pa ako rito naghihintay pero bakit hindi pa rin siya dumarating?" galit na bigkas ko sa sekretarya niya sa Kompanya. Dito na kaagad ako dumiretso. Wala na kasi akong naging balita pa kay Rose... Nagawa ko na siyang puntahan sa kanilang bahay pero ang sabi ng kanyang ina ay sumama na raw ito sa kapatid ko na tinuring kong karibal simula pagkabata. Hindi ko na maintindihan si Rose. Para bang pinaglalaruan niya lang ang damdamin ko. Ang buong akala ko ay nagkausap na kami at nagkaintindihan tungkol sa aming pagsasama. Inaasahan ko pa naman na iiwan niya ang magaling kong kapatid. But I was wrong... Umasa lang ako sa wala. Bagkus ay sumama pa siya sa lalaking iyon. Pero may parte ng puso ko na hintayin ang paliw

