CHAPTER 55 JACK POV: KABADO ako. Hindi ko lang masabi kay Rose dahil baka sabihin niya ay nababakla ako sa pagbubuntis. Pero sa kaloob-looban ko ay talagang kinakabahan ako. Kaya minabuti kong kunin ang aking cellphone at nag-search ako sa social media tungkol sa pagbubuntis. Gusto ko lang naman na may malaman ako para sa gano'n ay hindi na ako mabigla pa sa mga pwedeng mangyari sa akin. Alam ko kasi na maraming pagbabago ang magaganap sa katawan ko. Pero sa panonood ko ng mga videos ay parang bigla akong na-stress. Dahil may kailangan pa pala akong inumin ng gamot. I hate medicine. Ito ang kahinaan ko. Kaya nga kapag nagkakasakit ako ay pinipili kong magpahinga na lamang kaysa uminom ng kung anong gamot 'yan. Hindi kasi ako marunong lumunok. Para bang mabilis akong masuka kapag gano

