Kabanata 12

1092 Words
SANDALING humugot ng malalim na hininga si Roxie bago siya tuluyang lumabas ng sasakyan ni Zeus. Kahit na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ate Rita ay minabuti pa rin niyang pumunta pa rin sa kanilang bahay matapos makapagpalamig ng ulo. Zeus offered his hand and helped her get out of the car. Natanaw niya ang mga kapitbahay na kaagad nagkumpulan. Ang ilan ay talagang sinadya pang iparinig na pinag-uusapan silang dalawa ni Zeus. Mayroon pang nagsabing lumaki na raw ang kanyang ulo kaya sila nagtalo ni Rita. Nakabingwit na raw kasi siya ng mayaman sa Maynila. Bumuntonghininga na lamang si Roxie. Ayaw na lamang niyang patulan ang mga ito. Katwiran niya ay matagal nang buhay ng mga ito ang pag-usapan ang buhay ng iba. Sabi nga ng nanay niya, nababagot daw kasi ang mga ito sa sariling mga buhay kaya buhay ng iba ang pinakikialamanan at ginagawan ng kwento. "Are you sure you're okay?" Zeus asked worriedly. Roxie swallowed the lump in her throat before she forced a smile. "Oo. Si Mama naman ang ipinunta ko rito saka si Totoy. Tara," yaya niya rito. Zeus placed his palm on her lower back as if supporting her as they walked. Pagpasok ng bahay ay inirapan kaagad siya ng nagkakapeng si Rita saka ito padabog na tumayo mula sa hagkainang siya rin ang nagpundar. "Oh, Ma! Nandiyan na 'yang paborito n'yong anak na akala mo nakasapatos na ng ginto kung magyabang!" asik ni Rita. Tila nais pang iparinig sa mga kapitbahay ang sinabi sa lakas ng boses. Pilit na humugot ng malalim na hininga si Roxie upang kontrolin ang sarili. Hinagod naman ni Zeus ang kanyang likod na tila pinakakalma rin siya nito. Roxie sighed. Nagmano siya sa kanyang ina. Lumapit din naman si Zeus at ginaya ang kanyang ginawa bago ito nag-offer ng high five kay Totoy. Totoy was hesitant at first. Naningkit pa ang mga mata kay Zeus ngunit nang senyasan ni Roxie ay pinagbigyan din nito si Zeus. "Hindi pa tayo goods. Dapat mapatunayan ko munang hindi mo paiiyakin ang Tita Ganda ko dahil kung hindi, lagot ka sa'kin," banta ni Totoy. "Psst, ikaw talaga marunong ka nang magbanta, ha?" suway ni Roxie sa pamangkin. Lumapit naman ito sa kanya at yumakap sa kanyang baywang. "Naniniguro lang, Tita. Ayaw kitang umiiyak, eh." Tila may mainit na palad na humaplos sa kanyang puso. Kahit papaano, kahit na parang wala lang sa ate Rita niya ang mga sakripisyo niya ay may kunswelo rin siya sa pamangkin na magmula noon ay talagang malapit na sa kanya. Ginulo niya ang buhok ni Totoy saka ito pinatakan ng halik sa ulo. Maya-maya ay nagprisinta itong ipagtitimpla sila ng kape. "Pasensya ka na sa pamangkin ko. Talagang protective lang 'yan," aniya. Zeus smiled. Maya-maya ay bumaling ito sa ina ni Roxie. "Magandang umaga ho." Roxie's mother tried her best to give Zeus' arm a gentle squeeze. Payak namang ngumiti si Roxie kay Zeus saka siya nagsalita. "Hindi na nakakapagsalita si Mama magmula noong na-stroke. Ipinapa-therapy ko siya noon kaya lang nagagalit daw siya sabi ni ate Rita kaya pinahinto." Lumunok siya nang manikip ang kanyang dibdib. "Ma, ipapaayos ko 'yong taas habang nandito ako, ha para hindi na magtutulo. Idadamay ko na rin 'yong maliit na kwarto rito sa ibaba nang nakakapagpahinga ka nang maayos. Baka sakaling sa susunod na buwan makakuha ako ng personal nurse mo. Hahanap lang din ako ng isa pang trabaho para hindi naman tayo mabigatan sa mga gastusin." Zeus cleared his throat. "Can we talk outside?" he asked. Tumango si Roxie bago nagpaalam sa ina na ipapasyal lang muna niya si Zeus sa taniman. Nang makalayo ay sinalat ni Zeus ang kanyang kamay at tuluyang pinagsalikop ang kanilang mga palad. "Maybe I can pay for her nurse. May kilala rin akong doktor sa Manila. Maybe she can stay in Manila instead if she will have her personal nurse. Baka . . . nakakaapekto sa kundisyon niya ang environment niya," Zeus said. Umiling si Roxie. "Hindi ko matatanggap, Zeus. Ayaw kitang gawing sugar daddy." Nagpigil ito ng ngisi kaya inirapan ni Roxie. Tumikhim naman ito bago marahang piniga ang kanyang kamay. "I was thinking about getting you a house. Baka pwede rin akong makitulog minsan para hindi tayo palagi sa Hotel Khallisa. Alam kong minsan naiilang ka na rin do'n." Tinaasan niya ito ng kilay. "Ibabahay mo na ako, hmm?" Ngumisi ito. "Pwede naman kung . . . papayagan mo kong matulog do'n. But if you just wanna use my body when you need me, okay lang din--aw." Humalakhak ito nang mahina dahil sa ginawa niyang pagkurot. Maya-maya ay hinapit siya nito upang ikulong sa yakap. "Come on, Roxie. It's gonna be a win-win. You can take your mom with you so you can give her all the medical attention she needs. Makakasama mo pa siya palagi. You won't have to worry about your bills anymore nor your rent. I'll buy you a car, too--" "Zeus . . ." Bumuntonghininga siya. "Wala akong balak magpaka-sugar baby, okay?" "Pay me back soon. I just wanna help, alright? And . . . I want a place where I can come home to without me worrying what's gonna be waiting for me." He cupped her face. "If you want us to have separate rooms then that's fine with me. You wanna pay the utility bills then go ahead. I just . . ." He sighed. "I just wanna see you every time I'll go home . . . because you have no idea how good I feel whenever I'm having a bad day at work and then I'd see you smiling at me." Tila may mainit na palad na humaplos sa kanyang puso kaya imbes wala siyang balak maging marupok, heto siya at kunwaring sumimangot muna bago magtanong. "Hindi pa tayo magli-live in niyan, ha? Housemates with benefits lang? Promise?" He smiled. "I promise . . ." She sighed. "Sige, pero ako ang magbabayad ng bills. Hindi mo pwedeng pakialamanan 'yon. Ako rin ang magluluto palagi ultimo lunch mo. Got that?" Zeus' smile turned into a smirk. "I would love that." "Huwag mo kong ngisihan na para bang napikot mo na ko, Zeus," suway niya rito. Zeus laughed a bit. Maya-maya ay umalingawngaw ang phone nito. He pulled it out of his pocket before he stepped away as he answered it. "I told you to stop calling me--I don't care. Give me a f*****g break, Rossana," dinig niyang sabi ni Zeus. Napakunot ng noo si Roxie saka napatanong sa kanyang isip. Sino si Rossana?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD