Kabanata 13

1164 Words
Inis na nagtungo si Zeus sa tahanan nila ni Rossana. Panay ang tawag nito sa kanya kahit noong blinock niya na ang numero nito. She used several numbers just to reach him, telling him that he needs to come home or else she would hire someone to look for him. "What the hell do you even want?" asik niya nang maabutan itong nagpapa-footspa sa personal salon nito sa kanilang tahanan. She flipped the magazine and smiled. "We have to attend my grandma's birthday. They expect us to be there at seven PM--" "I'm not interested to play pretend in front of your whole family--" "Well, you have no other choice, Zeus." Malamig siyang tinitigan ni Rossana na tila nauubusan na ito ng pasensya sa kanyang pakikitungo. "Either you will start behaving the way you should or I will make sure your life will be a living hell." Zeus scoffed. Ang inis ay malinaw na gumuhit sa gwapong mukha. "And how the f**k should I behave, hmm?" "A good, loving husband." Inis siyang ngumisi. "First of all, I'm not a good man. Second, I don't f*****g love you." Umigting ang panga ni Rossana. Kitang-kita rin ni Zeus kung papaano itong humugot ng malalim na hininga. "Didn't your grandmother tell you the news, hmm? That she already gave me the right to decide whether your father would stay connected to a machine or not?" Tila tumigil ang t***k ng puso ni Zeus. "What the hell did you just say?" Naging makahulugan ang ngisi ni Rossana. "I think you heard me just right, my dear husband--" Hindi na niya pinatapos ang sinasabi nito. He stormed out of the room and walked fast to leave. Matuling pinatakbo ni Zeus ang kotse patungo sa tahanan ng kanyang lola Ysandra. Naabutan naman niya itong nakikipaglaro ng majong sa mga amiga nitong wala nang ibang inatupag kun'di maglustay ng pera ng mga asawa. "Abuela, can we talk?" nagkokontrol ng sariling tanong ni Zeus sa kanyang lola Ysandra. The old lady looked at him as if she already knew what he came for. Nagpaalam ito sa mga kaibigan saka sumama sa kanya papasok ng tahanan. "Where have you been, hmm? You ditched one of the most important meetings--" "Why did you give Rossana the power to decide about my father's life?!" putol niya sa sinasabi nito. Tumaas ang kilay ng matandang babae. Maya-maya ay lumipad sa kanyang pisngi ang palad nito bago siya idinuro. "Huwag mo akong mataasan ng boses! 'Yan ang namana mo sa nanay mong pobre?!" Umigting ang panga ni Zeus. "Stop talking that way about my mother, Abuela. Ni minsan wala kang narinig na masakit na salita mula sa nanay ko kahit--" "Dahil wala siyang karapatan!" Umismid ito. "Ito ang isaksak mo sa kokote mo, Zeus. Apo lang kita. I will decide for you and your father so either you will follow everything I would say or you will kiss your father's life goodbye." Lalong udmilim ang ekspresyon ni Zeus. Kung hindi lang talaga dahil sa Daddy niya, baka matagal na niyang tinalikuran ang matandang babae. "What did you do, Abuela? Paano napasa kay Rossana ang kapangyarihang magdesisyon para sa buhay ni Daddy?" pigil na pigil ang galit na tanong niya. "Technically, I still have the legal rights, Zeus. I just gave her the power to tell me what she wants to do with your father in case you will continue being stubborn." He clenched his fists. "How could you do this to your own son? Hindi ko maintindihan. Mahal mo man lang ba si Daddy kahit kaunti?" Umismid ito. "Love is such a toxic emotion, Zeus. You should remove that to your vocabulary." Humalik ito sa kanyang pisngi na tila hindi nito sinampal kanina ang kanyang mukha. Maybe Jael was right. Nagkamali ang Daddy niya noong inilabas ito ng psychiatric ward. Mukhang hindi pa talaga ito magaling, o baka talagang ugali na nito iyon at hindi na madadaan sa gamutan at therapy ang kasamaan ng ugali. Pikon na pikon siyang bumalik sa kanyang sasakyan. Nang makapasok ay hinampas niya ang manibela saka siya humugot ng malalim na hininga. He hates her so much. Parang mas kamag-anak pa nito si Rossana dahil pareho ng budhi ang dalawa. He sighed and pulled his phone out. Naiwan sa probinsya si Roxie dahil nagdahilan lamang siyang may importanteng meeting na kailangang asikasuhin. Hindi naman ito nagtanong o tumanggi. Nagsabi rin itong hindi niya kailangang bumalik para sunduin ito. Tatawagan sana niya ito para sabihing bukas pa siya makababalik ng probinsya ngunit sa huli ay muli niyang in-exit ang tawag. No, he doesn't want to call her right when he's still fuming mad. Baka makahalata ito. Ni hindi pa nga niya alam kung paano ipagtatapat sa dalagang kasal na siya. Bumuga ng hangin si Zeus saka niya tinawagan ang pinsang si Jael. Hindi naman nagtagal ay sinagot din nito ang tawag. "Bro," bungad ni Jael sa kanya. "Can you recommend a highly-secured subdivision?" "Why? Sawa ka na sa penthouse mo?" tanong ni Jael. "Nah, I just need to purchase a house as soon as possible." Natahimik sandali si Jael. Maya-maya ay bumuntonghininga ito sa kabilang linya. "Magsabi ka nga ng totoo sa'kin, Zeus? Are you secretly dating someone?" Lumunok siya't sandaling nagdalawang-isip kung aamin ngunit si Jael lamang ang talagang napagkakatiwalaan niya ng lahat-lahat. They're best friends anyway. Not just mere cousins. Ihinilamos niya ang palad sa kanyang mukha. "I'm . . . seeing someone I met in such a pretty bad timing, Ja, but I'm sorry. I cannot stop myself anymore. I . . . want her. Really f*****g badly . . ." Muling nagpakawala ng malalim na hininga si Jael. "And you're buying the house para sa kanya, hmm? Tama ba ang naiisip ko?" "Yeah. It's for her and her mother. Partly, for me, too. I need this, Ja. For my sanity. Rossana and Abuela will drive me insane and Roxie is my only anchor--" "Putangina, si Roxanne Cornejo? 'Yong best friend ng girlfriend ko?!" He sighed. "Yeah, it's . . . it's Roxie." Jael groaned. "Tangina naman, Zeus pareho tayong mapapatay ng dalawang 'yon kapag nagkaalaman!" "Look, I'll figure this out. Hahanap ako ng paraan para mapawalang-bisa kaagad ang kasal namin ni Rossana." "And you think the Illustranos will let that happen?" He ran his fingers onto his hair then held onto the steering wheel. "I really like her, Jael," tangi na lamang niyang nasabi. Muli niyang narinig ang pagbuga ng pinsan ng marahas na hininga. "You can't hide the truth forever, Zeus. You should at least do that poor woman a favor. I just need to warn you, though. If Cyra is a kitten, Roxie can transform into a feral lioness so God bless your soul, bro." Napalunok na lamang si Zeus. Mukhang kailangan nga talaga niyang ihanda ang sarili niya ngunit isa lamang ang sinisiguro niya. He will never let Roxie go . . . maging imoral man siya sa paningin ng lahat maging ng Maylikha . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD