Hira Pov.
Mabilis kong Binuksan ang Pintuan namin. Hindi ko namalayan na Ala una na pala.
Si Yhana kasi eh, ayaw pa akong pauwiin kanina.
Maingat ko na sinara ang pinto at dahan dahan na naglakad papunta sa hagdanan. Madilim na ang bahay baka natutulog na si mama.
Nasa isang hakbang palang ako ng hagdanan ng may narinig akong yabag ng paa sa likod ko.
Ang aga naman yata magparamdam ng multo ngayon. Di ba siya inform na 3 am yung labas nila.
Lumingon ako at nakita ko si Mama na nakatayo sa bandang sala at nakatingin saakin.
"Ma..." Ani ko.
"Mabuti naman at ligtas kang nakauwi. Matulog kana at maaga pa ang pasok mo bukas" malumanay na ani ni Mama. Nauna siyang umakyat saakin.
Marami ang naiinggit saakin kasi hinahayaan lang ako ni Mama sa lahat ng mga gusto ko. Hindi niya rin ako pinapagalitan kapang late na akong umuwi. Sinasabi niya lang saakin na ligtas lang akon umuwi ay okay na sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Oo, minsan natutuwa ako kasi malaya kong nagagawa ang mga gusto ko pero minsan napapaisip ako kung mahal niya ba ako o mahalaga ba ako sa kanya.
Pumunta nalang ako sa Kwarto ko at agad na humiga sa kama.
"Hindi man lang siya nagtanong kung bakit ako ginabi..." ani ko sa sarili ko.
Bago pa ako makatulog ay nag hilamos muna ako at nagpalit ng damit. Gaya ng sabi ni Mama ay maaga pa ang pasok ko bukas.
Kaya pala ako ganitong oras na umuwi kasi tinapos pa namin ang Research Paper namin. Bukas na kasi or should i say ngayon na kasi ang defense namin. Alam niyo rin ba kung bakit ngayon lang kami natapos? Ang gagaling din kasi ng mga kagrupo ko. Pito kaming miyembro pero kami lang ni Yhana ang gumagawa.
Nag chat na nga kami sa GC namin na kahit tumulong nalang sila sa pag paraphrase pero parang sila patong galit. Humanda lang talaga sila kapag kulitin nila kami ni Yhana tungkol kung ano ang gagawin sila sa oras ng defense.
Diba, bago matulog na stress pa ako? Aminin niyo nangyayari rin yan sa inyo.
kapit lang mga ferson, gra-graduate din tayo!
***
Inaantok pa man ay wala na akong choice kundi bumangon na. Hanep, 5 hours lang yung tulog ko with sama ng loob payan ha. Naligo na ako at nag ayos. Naglagay din ako ng kaunting foundation para matakpan kahit papaano ang kapit na kapit kong mga eyebags.
Pagbaba ko ay naabutan ko pa si Mama na naghahanda ng Mesa. Nilagay ko sa Sofa ang Bag ko at Umupo na sa Dining Area. Masarap magluto si Mama, share ko lang bakit ba?
Si Mama narin ang naglagay ng Baon kong Pera sa Wallet ko. Napansin ko rin na sobrang tahimik ni Mama, hindi siya gaano nagsasalita at hindi ko pa siya nakita na nakikipag chismis sa mga kapitbahay namin. Siya na ata ang papalit kay Mark.
Bago ko pa makwento ang lahat tungkol sa Mama ko ay Umalis na ako sa Bahay. May Sasakyan kami pero I'm a strong independent woman kaya mag co-communte ako. Pumara na ako ng jeep at sumakay na. Ang Mahal na pala ng pamasahe ngayon noh. Share ko lang din ulit.
Pagkapasok ko palang ay sinalubong na agad ako ni Yhana. Hinila niya ako papalapit sa upuan niya at nag usap ulit kami tungkol sa defense namin mamaya. Naghati kami ng parts na kailangan naming i explain. Yung mga kasamahan naman namin na wala namang inambag ay sa Introduction lang sila.
Pinapunta na kami sa Hall kung saan gaganapin ang defense. Grabe pagka pasok mo palang parang lumasok kalang sa freezer. Hindi ata uso ang pagtitipid sa kuryente sa School na to.
Magkatabi kami ni Yhana sa upuan. Ilang minuto rin ang hinintay namin para sa pagdating ng mga Students at panels.
"Students, please be seated. Magsisimula na ang Research Defense niyo." Ani ng isa sa mga panels. Bale apat silang mang gigisa saamin. Nagsi upuan din ang mga students.
Nag o-obserba lang kami ni Yhana sa mga nag pre-present na mga grupo. May iba na na reject ang proposal nila kasi masyadong common na daw. Yung iba naman ay na approved.
Tinawag na ang grupo namin kay tumayo na kami at pumunta sa stage. Inayos ko ang ppt namin sa laptop. Naka flash na ito ngayon sa malaking screen na nasa likuran namin.
Nagsimula na sila sa Introduction. Sinabi muna nila ang Full na Research Title namin at ang Purpose of the study. Mabuti naman kasi nagawa nila ng Tama. Pagkatapos non ay napunta na saakin. Pinaliwanag ko ang Frameworks at mga variable pagkatapos ay sumunod si Yhana para Theoritical.
Sa una kay kinabahan talaga ako lalo na at natatakot talaga ako kapag marami ang nakatingin saakin. Habang tumatagal ay parang nasanay na ako kaya Smooth nalang. Ang mga present ko.
"We are done, Panels. We are ready for your questions and recommendations" ani ko.
Nilapag nila ang mga hawak na pen nila at tumingin saamin. Kagaya ng inaasahan ko ay ginisa kami ng mga panels. Mabuti nalang at handa kami ni Yhana kaya nasasagutan namin ang mga katanungan nila.
Syempre, sa huli ay na approved ang proposal namin kaya pwede na kaming pumunta sa ibang chapters.
Niyaya ako ni Yhana na mag samgyup para i celebrate ang pagka approved ng Proposal namin.
Pagkatalos ng klase namin ay sabay kaming lumabas ng School. May malapit daw kasing kainan na samgyup dito kaya lalakarin lang sana namin.
Hindi pa man kami nakakalayo sa Gate ng School ay may nakita kaming babae na nakatayo sa gilid ng sasakyan. Kinusot ko pa ang mata ko para kompirmahin kung siya nga ito.
"Mama?" Ani ko. Lumapit kami sa kanya at binati agad siya ni Yhana.
"Hello po Tita! I'm Yhana po, Hira's Bestfriend" nakangiting ani niya.
"Kamusta, Iha. Saan kayo pupunta?"
"Kakain lang po sana kami sa labas, Tagumpay po kasi ang research namin" excited na ani niya.
"Ah, Ganon ba. Balak ko sanang yayain si Hiraya para mamasyal. Pwede bang sa susunod na araw nalang kayo kumaing magkasama?"
Totoo ba ang narinig ko? Niyaya ako ni Mama na mamasyal? Sa loob ng 18 na taon ngayon lang ata ako sinundo at niyaya ni Mama mamasyal.
"Sure, Tita. Go lang po, Next time nalang Hira ha" nag bye bye na siya saamin at nauna nang umalis.
"Saan po tayo pupunta ma?" Excited na ani ko.
"Sumakay ka muna, Sekreto lamang ang ating pupuntahan" ani niya at ngumiti. Ngayon ko lang din ata nakitang ngumiti si Mama na makikita mo rin sa mga mata niya ang tuwa.
Bakit ang daming nangyayari ngayon na First time lang na mangyari sakin?
Weird.
Sumakay na ako at nilagay ko sa Backseat ang Bag ko. Sa Sobrang excited ko ay muntik ko pang makalimutang mag seatbelt.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nag dri-drive si Mama. Mahigit kalahating oras na atang bumabyahe kami pero hindi parin kami nakakarating sa dapat naming puntahan.
Tinatanong ko naman si Mama kung malayo pa ba o kung saan ba talaga kami pupunta. Ang tanging sagot niya lang ay malapit na kami kaya wag na akong mainip.
"Matulog ka nalang muna, para hindi ka mainip." Ani niya.
"Sige po, Pakigising nalang po ako kapag nakarating na tayo." Pinikit ko ang mga mata ko at nakakagulat lang kasi ang bilis kong nakatulog.
.
.
.