KABANATA 2- ARKISHA

1110 Words
Hira Pov. Pagkagising ko ay agad akong nakaramdam ng matinding p*******t ng ulo. Napabangon ako at napahawak sa ulo ko. Dahan dahan kong minulat ang ulo ko at agad akong may nakitang lalaki na nakasandal sa gilid ng dingding. Nakatingin siya saakin habang nakapasok ang dalawang kamay sa pocket ng pants niya. Inilibot ko ang paningin ko at napansin ko na nasa isang hindi pamilyar na silid ako. Pero, paano ako na andito? Nasa Sasakyan lang ako kanina kasama si Mama ah? "S-Sino ka? Asan ang Mama ko?" Ani ko. "Mabuti naman at gising kana, Mahigit isang oras din akong naghintay sa pag gising mo" seryosong ani niya. What? 1 hour? "Nasaan ako? Bakit ako andito? Mama!" "Kung ganito kalang di naman kaingay sana matagal ka nalang tulog." Ginawa naman akong patay ng lalaking to. Wait. Patay? Papatayin niya ba ako dito? Ang bata ko pa, hindi pa nga ako nakakapag boypren. "Mabuti naman at gising na ang ating panauhin.." sabay kaming napatingin sa pintuan ng may isang matandang babae na pumasok. Nilapitan siya ng Lalaki at tinulongan sa paglalakad. Naglakad sila papalapit saakin kaya umatras ako. Inilalayan niya ang matandang babae na makaupo sa kama na hinigaan ko. "S-Sino kayo? Asan ang Mama ko? Myembro kayo ng sindikato no? Pagkatapos niyo kaming kidnapin ay kukunin niyo ang mga organs namin at ibebenta?" Diretsong ani ko. "Wala ako masyadong naintindihan sa mga sinabi mo pero sa tono ng boses mo ay nagtataka ka kung Asan ka.." mahinahong ani niya. "Nasa Kaharian ka ngayon ng Arkisha." Ani ng Lalaki. "Kaharian of What?" "Ikaw ngayon ay nasa Kaharian ng Arkisha sa ilalim ng pamumuno ni Rhevore." Napahawak ako sa ulo ko. Mas lalong sumasakit lang ang ulo ko sa mga pinagsasabi nila. "Mas mabuti pa na magpahinga ka muna iha, humiga ka nalang ulit at matulog. Lumabas muna tayo Inoh at hayaan natin ang Binibini na magpahinga." Inalalayan ulit ng lalaki ang Matandang Babae hanggang sa nakalabas sila ng kwarto. Agad naman akong tumayo at hinanap ang bag ko. I need to call the police. Baka kung ano ang gawin nila saamin dito. Nasaan naba kasi si Mama? Inikot ko na ang kwarto at hinanap sa bawat sulok pero wala akong makita ni isang gamit ko. Siguro kinuha nila ang phone ko para di ako makapag sumbong at kinuha rin ang mga pera at cards ko. Napabalik ulit ako sa kama nang marinig ko ang mga yabag sa labas. Bumukas ang pinto at may nakita akong isang magandang babae. Naka braid ang buhok niya at naka dress siya na sobrang haba na aabot na sa sahig. May dala siyang Tray na parang gawa sa kahoy at may laman itong parang damit din. Inilapag niga ito sa mesa at umupo sa kama. "Pinabibigay ito ni Ginang Almara sa iyo. Ako nga pala si Lara, Ano ang pangalan mo?" Ani niya. Unang kita mo palang sa kanya ay kitang kita na masayahing Tao siya. Pagkapasok niya palang kanina ay nakangiti na siya. "I'm Maria Hiraya..." "Hmmm.. Hiraya. Kay gandang pangalan" nakangiting ani niya. Mukhang mabait naman siya kaya for sure ay masasagot niya kung asan talaga ako. "Lara, Nasan ba ako? Nakita mo ba ang Mama ko? Ano ba to talaga ang gusto niyo saakin? Kung balak niyo akong Kidnappin ay bibigyan ko naman kayo ng Money kaya palayain niyo na ako." Ani ko. "Sandali lang, Binibining Hiraya. Magpalit ka muna ng Damit at unti unti kong ipapaliwanag sayo ang lahat habang naglalakad tayo sa labas." Lumabas siya at sinabi saakin na hihintayin niya nalang ako sa labas para makapag bihis ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang magbihis. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Akala ko talaga hindi babagay saakin ang damit kasi sobrang haba. Pero, ang ganda niya ha. Lumabas ako at nakita ko siya na nakasandal sa dingding. Ngayon naman ay straight face na siya. Hindi rin siya ngumiti ng makita niya ako. "Lara?" "Ako si Lira, Kakambal niya. Andoon na siya sa Tabi ng Kambal na puno. Kausap niya si Inoh kaya pupunta tayo ngayon doon." Walang ganang ani niya. Grabe, magkamukha talaga sila. First time ko kasi maka kita ng kambal sa personal. Ang Pinagkaibahan lang nila kasi si Lara ay palangiti ito namang si Lira ay laging nakabusangot. Pinauna ko siya kasi hindi ko naman alam ang daan dito. "Lira, pwede bang magtanong?" Ani ko. Hindi siya lumingon pero parang narinig niya naman ako. "Ano iyon?" "Nasaan ba talaga ako? Bakit niyo ba ako dinukot?" "Hindi ka namin dinukot. Nasa Kaharian ka ngayon ng Arkisha sa ilalim ng pamumuno ni Rhevore." Pareho lang naman ang sinabi niya sa lalaki kanina. Bakit ba kasi ako napunta dito? Napansin ko na napapatingin saakin ang mga tao. Siguro nagtataka sila kasi ngayon lang nila ako nakit. Ngayon ko lang din naman sila nakita kaya same lang kami ng nararamdaman. "Andito na tayo." Mabuti naman, nakakapagod ding maglakad dito. Agad kong napansin ang dalawang puno na magkatabi. Magkadugtong ang mga branches nila at pareho ang laki ng kanilang katawan. Sa gilid ng puno ay nakita ko ang lalaki na nasa kwarto kanina at may kausap siya na isa pang lalaki na hindi pamilyar saakin. "Halika dito, Hiraya" lumapit saamin si Lara. Hinila ako ni Lara at pinalapit sa dalawang lalaki na nag uusap. Sumunod din saamin ang kambal niyang si Lira. "Siya ba ang panauhin natin? Ako nga pala si Trino" nakangiting ani ng isang lalaki. "I'm Hira, It's nice to meet you" i said. "Nakakatuwa naman at marunong kang magsalita ng Ingles." "Hindi ba kayo marunong mag English?" "Marunong naman, subalit kakaunti lamang ang nalalaman namin. Hindi naman kasi importante dito ang ganyang lenggwahe." Paliwanag niya. "Dito ka nakita ni Inoh, Siya ang nagdala sayo kay Ginang Almara." Tinuro ni Lara ang gilid sa may gilid ng malaking puno. "Pero paano ako napunta dito? Kasama ko lang kanina si Mama sa sasakyan." "Wala kang malay nang makita kita, Wala karing kasama na iba kaya dinala kita kay Ginang Almara. Nais ko ring humingi ng paumanhin sapagkat hinawakan ko ang katawan mo ng wala ang iyong pahintulot." "It's okay, but how can i go back? Saan ang pwede kong labasan dito?" "Hindi ka makakalabas dito, Hira. Kahit kami ay hindi rin maari na makalabas dito." Ani ni Trino. "What?! Why?" "Matagal nang ipinagbawal ni Pinunong Rhevore ang pagpunta sa mundo ng mga Tao. Ginamitan niya ng kapangyarihan niya ang lagusan na iyan kaya walang sinuman ang maaring pumasok at lumabas sa kahariang ito." Ani ni Lira. Pero paano ako nakapasok dito? Bakit ba kasi ako nandito? "Nakakapag taka lang kung paano ka nakapasok dito?" Hindi naba ako makakalabas dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD