“MOM, are we going to meet Wowa and Wowo here?” tanong sa kaniya ni Shan nang nasa departure area na sila ng NAIA International Airport. “Yes, baby, they are going to fetch us here,” nakangiti naman sagot niya rito. “BELLA!” ang malakas na sigaw na iyon ang nagpalingon sa kaniya. Ang mangiyak-ngiyak niyang ina iyon na nagmamadali sa paglapit sa kanila, mabilis naman niya itong sinalubong. “Kanina pa namin kayo hinihintay rito.” Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kaniya. “Oh, hindi ba’t sabi ko naman sa inyo na 2 PM pa ang dating namin dito?” nagtataka namang tanong niya. “Hay nako! Iyang Mama mo hindi mapakali kaya naman kanina pa kaming alas diyes dito,” naiiling na wika naman ng kaniyang ama. “Hello!” agaw ni Shan sa atensiyon nilang lahat. “Ito na ba ang apo ko?” hindi m

