“BELLA, kailan ba kayo uuwi rito?” nagtatampong tanong sa kaniya ng ina. “Ang sabi ni Sheena ay tatapusin mo lang ang winter season diyan sa New Zealand at susunod na rin kayo rito.” “Susubukan ko, Ma, nai-enroll ko na kasi si Shan for kindergarten kaya balak ko na tapusin na lang muna yung school year since malapit na rin naman,” tugon naman niya rito. Kasalukuyan silang magka-video call nito, ilang araw an rin kasi siyang kinukulit nito tungkol sa pag-uwi nila sa Pilipinas. Limang na taon na ang lumilipas mula nang magpasya siyang umalis ng Pilipinas. Magli-limang na taon na rin mula nang ipanganak niya si Shan, at totoong isang milagro ang pagkabuhay nito dahil binigyan nito ng kulay ang kaniyang buhay. “Bella, sa susunod na buwan na ang 50th wedding anniversary na namin ng Papa mo b

