“KAILAN kita susunduin?” tanong sa kaniya ni Drake dahil kasalukuyan na silang nasa tapat ng Harborview resort at pasado alas dos na ng madaling araw. “Tatawagan na lang ulit kita, sir, pero hindi naman ako magtatagal dito. Baka bukas o sa susunod na araw ay magpasundo na rin ako,” tugon naman niya. Pagbaba niya ng sasakyan ay nagulat siya dahil bumaba na rin ito ng sasakyan nito. “Oh, bakit?” nagtatakang tanong niya. “Magpapahinga at matutulog muna ako, pwede naman siguro, ano?” sarkastikong tugon nito pagtapos ay nauna nang humakbang sa kaniya papuntang hotel ng resort. “Antok na antok na ako at baka hindi na ako umabot ng buhay papuntang Manila nito,” narinig pa niyang usal nito. Naiiling na lamang na napasunod siya rito. “Good morning, ma’am, sir,” nakangiting bati sa kanila ng rece

