NASA malalim na pag-iisip si Bella nang muling bumalik si Shawn. “Anong balita?” tanong naman niya rito pag-upo nito sa kaniyang harapan. “Pina-check niya lang sa ‘kin yung proposal na ipapasa namin for year-end bidding, sa tingin ko naman ay wala nang problema iyon,” tugon naman nito pagtapos ay muling sumubo ng pagkain nito. “Anyway, Shawn, may gusto sana akong itanong tungkol doon sa sekretariya mo?” tanong niya rito na ikinasamid nito kaya ngayon ay walang tigil ito sa pag-ubo. “Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya rito dahil namumula na ito sa kauubo. Pilit naman nitong inabot ang tubig saka iyon dahan-dahan na nilagok. Nang makaramdam ng ginhawa ay agad itong luminga sa paligid ng restaurant. “Waiter!” tawag nito sa isang attendant na naroon, tumalima naman ito at sumunod

