HINDI mapakali si Bella dahil ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin nagbabalik si Shawn, kaya naman nagpasya na siyang tumayo mula sa kinauupuan at sinundan ang direksiyon na tinahak nito nang umalis. Papasok na siya ng hotel nang may marinig siyang sigawan mula sa di kalayuan. Hindi gaanong malinaw sa kaniyang ang sinasabi ng sigawang iyon ngunit sa tagal ng pagsasama nilang mag-asawa ay hindi siya maaaring magkamali na tinig iyon ni Shawn kaya sinundan niya ang pinanggagalingan ng sigawan na iyon. “At saan ka pupunta?” narinig niyang tanong ni Shawn at mas naging malinaw sa kaniya na ang asawa nga niya iyon dahil kitang-kita niya kung paano nito pigilin sa braso ang babaeng kausap nito. “Kay Atty. Bella, sasabihin ko na ang lahat sa kaniya dahil dapat lang naman na malaman na n

