PAGMULAT nang mata ni Bella ay naroon na ang kaniyang magulang at kapatid. Malungkot ang mukha ng kaniyang ina, habang mahigpit itong nakahawak sa kaniyang kamay. “How was the baby, Ma?” kinakabahang tanong niya rito. Agad itong nag-iwas nang tingin kaya napatingin siya sa kaniyang ama at maging ito ay nag-iwas lang din ng tingin sa kaniya, malungkot din ang mukha nito. “Ma, Pa…” garalgal ang tinig niyang iyon dahil sa totoo lang ay natatakot siya sa isasagot ng mga ito kaya naman pagtapos ay tumingin siya sa kaniyang kapatid. “Kuya…” malungkot din itong tumingin sa kaniya. “The baby was gone…” mahinang usal nito ngunit parang bomba iyon sa kaniyang pandinig. Mabilis siyang bumangon mula sa kaniyang kinahihigaan. “No, please, sabihin ninyong nagbibiro lang kayo! Hindi ba nandito pa rin

