HABANG nasa gazebo si Shawn at Bella ay nananaig pa rin ang mahabang katahimikan sa pagitan nila dahil hindi malaman ni Bella kung saan siya magsisimula. Mataman niya itong tiningnan at tahimik lang din itong nakatingin sa kaniya. “Gusto ko lang naman malaman ang totoo mula sa ‘yo, Bella,” malungkot na wika nito. “Nang lumayo ka ba nakakilala ka ng iba?” Diretso siyang tumingin sa mga mata nito, kita niya ang pangamba at takot sa mga mata nito. “Nang lumayo ako rito hindi ako nakatagpo o nakakilala man lang nang iba dahil naging busy na ako sa buhay ko kasama si Shan,” seryoso niyang tugon dito, nakita niyang tila nakahinga ito ng maluwag sa isinagot niya. “Si Shan ba ay inampon mo lang?” tanong nito “Hindi, Shawn, totoong anak ko si Shan at ako mismo ang nagluwal sa kaniya,” maagap

