INAAYOS na ni Shawn ang mga papelas na kailangan para sa pagbebenta niya ng S. Santillan kay Mr. Drake Aragon, at ang kagandahan pa ay nagawang habulin nito ang mga kliyente sana na gustong bumawi sa kontrata. Kung sa panghihinayang ay wala siyang kahit anong nararamdamang pnaghihinayang sa nangyaring iyon sa kompaniya niya. Kaya naman halos sa buong araw ay iyon lamang ang kaniyang inintindi. Kasalukuyan siyang nakaupo sa harapan ng kaniyang laptop nang isang katok ang umantala sa kaniya. “Pasok,” wika niya habang abala pa rin sa ginagawa. “Sir, narito po si Sariah, gusto raw po kayong makausap,” wika nit Tiffany at doon naman siya napaangat ng tingin. “Paalisin ko na po ba?” “Sige, papasukin mo,” usal naman niya. Ilang sandali naman ay nasa harapan na rin niya ang dalaga. “Ano pang ka

