KATULAD nang sinabi ng Doctor kay Bella ay bumalik siya ng ospital para alamin kung ano ba talaga ang naging findings nito sa kaniya pero nang puntahan niya ito ay ini-refer lang siya nito sa isa pang Doctor, nagtataka man ay sinunod na lamang niya ito. “Goor morning, Doc!” bati niya rito nang makaupo siya sa harap ng lamesa nito. “Good morning! May I know your name, please?” tanong naman nito habang naghahanap nang kung ano sa lamesa nito. “I’m Atty. Arabella Alvarez, ini-refer kasi ako rito ni Dr. Gallardo.” “Ah, so ikaw pala ‘yon, ang buo akala ko ay matatagalan pa ang pagpunta mo rito.” “So, what is it, Doc, bakit hindi pwedeng sa phone na lang i-discuss yung findings na nakita ninyo sa ‘kin?” tanong naman niya rito. “It’s quite complicated na i-discuss sa phone, marami rin kasi

