KASALUKUYANG nagbabasa si Drake nang dumating na kontrata sa kaniya nang kumatok ang kaniyang sekretariya. “Pasok,” wika niya kaya naramdaman naman niya ang pagpasok nito. “Sir, narito na po si Miss Mendez, papasukin ko na po ba?” “Yes, please,” usal niya na ang atensiyon ay nasa kaniyang binabasa pa rin, lumabas ito at ilang sandali lang ay pumasok naman si Sariah kasama ang kaibiga nito. “Good afternoon, sir,” bati naman nito. “Good afternoon, sige, have a seat, tapusin ko lang itong binabasa ko,” saad niya pagtapos ay tinawag niya ang kaniyang sekretariya upang bigyan nang maiinom ang dalawa niyang bisita. Nang dumating ang hiningi niyang inumin ay tumayo na siya at umupo sa harapan ng inuupuan ng dalawa. Humigop muna siya ng kape bago nagsalita. “Anong kailangan mo this time?” kas

