Chapter 40

2109 Words

“BELLA, desidido ka na ba talagang sampahan ng kaso ‘yang si Shawn?” tanong sa kaniya ng ina at nababakas sa mukha nito ang pag-aalala. Nasa harap sila ng hapag kainan nang mga oras na ‘yon. “Yes, Ma, it’s the least I can do for my peace of mind,” seryosong tugon niya sa ina. “Hindi ba parang sobra naman yata ‘yan,” ramdam niya ang pagtutol sa tinig nito. “Alam ko naman na malaki talaga ang kasalanan sa ‘yo ni Shawn pero ang sa akin lang naman, anak, naghiwalay naman na kayo, maganda siguro kung patahimikin niyo na lang din ang buhay ng isa’t isa. Iyon ang tingin kong kapayapaan na dapat na ibigay mo sa sarili mo. Hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.” “Ma, walang mali sa ginagawa ko, kaya nga batas ang ginagamit ko. Mas mali kung ilalagay ko sa sarili kong kama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD