Smile Kyrile's POV MAGKAYAKAP kaming dalawa ni Iero. Kahit kung magbangayan kami ay parang aso't-pusa pero nakakapanibago na may ganito pala siyang ugali at dinamayan ako sa panahong mahina ako. Kahit masasabi na tila'y aso't pusa kami kapag nagkukrus ang landas ay may ganitong version ito. Sana laging ganito nalang kasi nababanas lang ako sa ugali nito. "Shhh. . . Tahan na," pag-aalo niya sa 'kin habang hinihimas ang likod ko. Ginawa ko na ngang pamunas ang kaniyang damit dahil wala naman akong pamunas. Hindi naman siya nandiri sa ginawa ko at hinayaan lang ako. "Siya na nga lang ang nagturing sa 'kin na anak tapos iiwanan niya 'kong mag-isa. Hindi ko matanggap na wala na si Nanay. Wala na ang kaisa-isa kong karamay at nagmamahal sa 'kin," hikbi ko. Nagulat naman ako nang ilayo ni

